Search and rescue sa Angeles City, signs of life narinig sa guho
- Isang nine-storey hotel building under construction ang bumagsak sa Balibago, Angeles City, Pampanga na nagresulta sa pagkamatay ng isang Malaysian national at pagkaka-trap ng 20 workers
- Rescuers mula sa Bureau of Fire Protection, Philippine Army, Coast Guard, at PNP ay nagsanib-puwersa sa search and rescue operations gamit ang hydraulic cutters, K-9 dogs, at life-detection equipment
- Public Works and Highways Secretary Vince Dizon at MMDA General Manager Nicolas Torre III ay personal na nag-inspeksyon sa site at tiniyak ang mabilis na aksyon sa pagliligtas ng mga trapped workers
- Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng pagbagsak ng gusali na naganap madaling araw ng Linggo habang karamihan sa mga tao ay natutulog
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Patuloy ang malawakang search and rescue operation sa Balibago, Angeles City, Pampanga matapos bumagsak ang isang nine-storey hotel building na under construction nitong Linggo ng madaling araw. Sa insidente, isang Malaysian national ang nasawi habang tinatayang 20 construction workers ang naiwan sa ilalim ng guho.

Source: Facebook
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, “Ang priority natin ngayon is makuha yung mga na-trap.” Personal niyang ininspeksyon ang lugar kasama ang mga opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) at lokal na pamahalaan. Ayon sa mga rescuer, nakarinig sila ng mga boses mula sa ilalim ng debris at nakipag-ugnayan pa sa ilang trapped workers.
Gumagamit na ngayon ang BFP ng hydraulic cutters upang alisin ang mga steel bars na nakadagan sa mga biktima. Ang gusali ay hinati sa apat na operational sites upang mapabilis ang operasyon. Ayon kay BFP Officer-in-Charge F/Chief Supt. Wilberto Rico Neil Kwan Tiu, “Fortunately mayroon na tayo nakita na dalawa na signs of life na pinipilit natin marescue.”
Dagdag pa rito, tatlong urban search and rescue teams mula sa National Capital Region, isang team mula Region 1, at tatlong team mula Region 3 ang dumating upang tumulong. Kasama rin sa operasyon ang Philippine Army, Philippine Coast Guard, at Philippine National Police. Ang MMDA naman ay nagdala ng life-detection equipment na kayang makadetect ng human heartbeat sa ilalim ng debris.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III, “Yung maliliit na butas may mahaba kami microphone na makarinig kung may signs of life tapos andyan din life detector natin, yung heart beat detector andyan apat ang dala-dala natin para mapabilis kasama ang mga aso.”
Isa sa pinakamalaking hamon sa operasyon ay ang unstable na kondisyon ng site. Dahil under construction pa ang gusali, puro scaffolding at bakal ang nakahawak sa debris kaya’t mano-manong tinatanggal ng mga rescuer ang mga nakadagan upang masiguro ang kaligtasan ng trapped workers at ng rescue personnel.
Sa ngayon, kumpirmado na ang pagkamatay ng isang Malaysian national na nanuluyan sa katabing hotel. Ang kaniyang katawan ay narekober mula sa Room 101 ng hotel matapos maipit ng steel bars at debris.
Ang Angeles City ay isa sa mga urban centers ng Pampanga na kilala sa mabilis na pag-unlad ng mga gusali at negosyo. Gayunpaman, ang pagbagsak ng gusali ay nagdulot ng matinding pangamba sa kaligtasan ng mga construction sites at nagbigay-diin sa kahalagahan ng masusing inspeksyon at pagsunod sa building safety standards.
Narito ang dalawang kamakailang balita mula sa Kami.com.ph na may kaugnayan sa mga trahedya at kalamidad:
Binaliw landfill landslide death toll rises, search turns riskier Sa Cebu, patuloy ang search and rescue operations matapos ang landslide sa Binaliw landfill. Tumataas ang bilang ng mga nasawi habang mas nagiging delikado ang operasyon dahil sa kondisyon ng lupa.
Pinay at kanyang buong pamilyang Israeli burado sa isang iglap matapos ma-direct hit ng missile Isang Pinay at ang kaniyang buong pamilya sa Israel ang nasawi matapos tamaan ng missile strike. Ang insidente ay nagdulot ng matinding lungkot at pangamba sa mga Pilipino sa abroad.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


