Tarp fail sa fiesta ng Pangasinan, naghatid ng good vibes

Tarp fail sa fiesta ng Pangasinan, naghatid ng good vibes

  • Isang simpleng pagkakamali sa tarp ng Barangay Maraboc fiesta sa Laoac, Pangasinan ang nagdulot ng viral video na tumabo ng halos 2 milyong views
  • Sa halip na “Senior Citizen Night,” “Senior Cetirizen” ang naimprenta sa backdrop, na agad napansin ng staff matapos nilang i-set up ang lugar
  • Sinubukan nilang remedyuhan ang error sa pamamagitan ng paggupit ng ilang letra, ngunit lalo lang itong nagdulot ng katatawanan nang lumabas na “CETIZEN” pa rin ang spelling
  • Ang video na kinunan pa noong Disyembre 21, 2025 ay in-upload lamang nitong nakaraang araw ng 22-anyos na si Nathaniel Laguan upang maghatid ng good vibes sa netizens

Unli-tawa ang hatid sa netizens ng isang maikling video na ipinost ng 22-anyos na si Nathaniel Laguan. Sa video, makikita ang kanyang katrabahong si Nelson Pil habang kausap sa telepono ang kanilang boss sa catering service na si Dith Manzano. Ang usapan ay tungkol sa nakakatawang pagkakamali sa tarp na kanilang ginamit para sa isang fiesta event sa Barangay Maraboc, Laoac, Pangasinan.

Read also

Mayor Isko, pinayuhan ang biktima na magsampa ng kaso laban sa mga suspek

Tarp fail sa fiesta ng Pangasinan, naghatid ng good vibes
Tarp fail sa fiesta ng Pangasinan, naghatid ng good vibes (📷Nathaniell Laguan/Facebook)
Source: Facebook

Matapos nilang i-set up ang backdrop para sa aktibidad ng mga “young at heart,” doon lang nila napansin na mali ang nakalagay sa tarp. Sa halip na “Senior Citizen Night,” ang naimprenta ay “Senior Cetirizen.” Ayon kay Laguan, pati ang nagpa-print ng tarp ay hindi rin nakapigil sa tawa. “’Yong nagpa-print noon, pati siya nga po eh tawang-tawa sa kinalabasan,” ani Laguan.

Sinubukan nilang ayusin ang error sa pamamagitan ng paggupit ng “RI” sa tarp. Ngunit imbes na maayos, lalo lang itong nagdulot ng katatawanan dahil naging “CETIZEN” na ang spelling. “Basta, ’yon na po ’yon! Hahahaha,” dagdag pa ni Laguan.

Ang video na kinunan pa noong Disyembre 21, 2025 ay in-upload lamang nitong nakaraang araw. Sa kabila ng delay, mabilis itong nag-viral at umabot na sa halos 2 milyong views. Ayon kay Laguan, nais lamang niyang maghatid ng good vibes sa gitna ng mga pinagdadaanan ng mga kababayan. Ang simpleng pagkakamali ay naging dahilan ng saya at tawa sa social media.

Read also

Gino Hinolan, matapang na pahayag laban sa mga food vloggers

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi na bago sa social media ang mga ganitong viral na pangyayari. Mula sa mga simpleng “wrong spelling” hanggang sa mga bloopers sa kasal o kakaibang disenyo ng mga bagay, mabilis itong nagiging trending dahil sa kasiyahan na hatid. Ang tarp fail sa Laoac ay isa lamang sa maraming halimbawa kung paanong maliliit na pagkakamali ay nagiging source ng good vibes. Sa panahon ng stress at mabibigat na balita, ang mga ganitong viral videos ay nagsisilbing pahinga at aliw para sa netizens.

Katulad ng viral tarp fail na ito, marami ring nakakatawang videos ang nagbigay saya sa netizens. Narito ang ilang kamakailang balita mula sa Kami.com.ph:

Pina-practice na wedding speech ng parents ng bride, kinaaliwan: “Iligaw mo na lang” Isang video ng magulang ng bride ang nag-viral matapos nilang mag-practice ng wedding speech. Sa halip na seryoso, nauwi ito sa nakakatawang banat na “Iligaw mo na lang.” Maraming netizens ang natuwa at nagbahagi ng kanilang sariling karanasan sa mga nakakatawang moments sa kasal.

Read also

Comedian Bearwin Meily, ikinuwento ang hirap at pagbangon sa kanilang pagsasama

Di pangkaraniwang hagdan sa gilid ng díke, kinaaliwan ng netizens Isang hagdan sa gilid ng díke ang naging viral matapos mapansin ng mga netizens ang kakaibang disenyo nito. Ang simpleng larawan ay nagdulot ng tawa at diskusyon online, patunay na kahit ordinaryong bagay ay puwedeng maging source ng good vibes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate