Imbestigasyon sa pagsabog ng portable stove sa isang kainan sa Dagupan City, isinasagawa na
- Walong estudyante ang nasugatan matapos sumabog ang isang portable butane stove sa gitna ng isang birthday celebration sa isang diner sa Dagupan City
- Lumabas sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection na gas overpressure ang naging sanhi ng pagsabog habang kumakain ang mga biktima bandang ala-una ng hapon
- Ibinunyag ng BFP na ang paggamit ng portable butane stove sa loob ng establisyimento ay isang paglabag sa Fire Safety Code of the Philippines
- Pansamantalang isinara ang kainan para sa maintenance habang nahaharap naman ang pamunuan nito sa posibleng notice of violation mula sa mga awtoridad
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang masayang selebrasyon sana ng kaarawan ang pinagsasaluhan ng isang grupo ng mga estudyante sa Dagupan City, ngunit nauwi ito sa isang madramang eksena na hindi nila malilimutan.

Source: Facebook
Nitong nakaraang araw, bandang ala-una ng hapon, habang masayang nagkakainan ang mga magkakaklase para ipagdiwang ang kaarawan ng isa nilang kaibigan, bigla na lamang umanong sumabog ang isang portable butane stove sa kanilang lamesa. Ang lakas ng pagsabog ay nagdulot ng sugat sa walong estudyante na agad namang isinugod sa ospital para mabigyan ng lunas.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), gas overpressure ang itinuturong dahilan kung bakit sumabog ang canister. Ngunit bukod dito, binigyang-diin ni FCINSP. Jun Eland Wanawan, fire marshal ng Dagupan City Fire Station, na bawal ang paggamit ng naturang gamit sa loob ng mga saradong gusali.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Ang ina-allow lang talaga natin is ‘yung parang naka-system siya. Hindi natin ina-allow… ‘yung portable na butane indoor. Ang portable butane ay designed talaga for outdoor use lang,” paliwanag ni Wanawan.
Sa ginawang inspeksyon ng mga awtoridad, natuklasan din na bukod sa maling paggamit ng stove, kulang din ang establishment sa mga fire extinguisher. Dahil dito, inaasahang maglalabas ng notice of violation ang BFP laban sa pamunuan ng kainan. Nagbabala rin si Wanawan na kailangang sumunod ng management sa kanilang mga rekomendasyon kung ayaw nilang tuluyang maipasara ang negosyo. “They have to comply with our recommendation unless otherwise baka maipasara natin ‘yung establishment. Ang suggestion natin is pullout natin and then i-check muna isa-isa ‘yung mga cannister,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, nananatiling tikom ang bibig ng management ng diner at pansamantalang isinara ang pinto nito para sa equipment maintenance at inventory. Samantala, kinumpirma naman ng Dagupan City Police Station 2 na tatlo sa mga biktima ang nakalabas na ng ospital, habang ang iba ay patuloy pang inoobserbahan.
Ang insidenteng ito ay nagsisilbing paalala sa lahat ng mga negosyante at mamimili na palaging unahin ang kaligtasan at sumunod sa mga safety protocols upang maiwasan ang mga ganitong uri ng sakuna.
Ang mga insidente ng pagsabog at pinsala sa Pangasinan ay muling nagpapaalala sa kahalagahan ng pag-iingat sa mga mapanganib na kagamitan.
Samantala, matatandaang isang 11-anyos na bata rin ang dumanas ng malagim na karanasan sa Pangasinan matapos itong maputulan ng apat na daliri dahil sa pagsabog ng isang napulot na paputok. Ang trahedyang ito ay naging babala sa mga magulang na maging mapagmatyag sa mga bagay na nilalaro ng kanilang mga anak upang maiwasan ang permanenteng pinsala sa katawan.
Ang insidenteng ito pagsabog ng butane stove sa isang kainan ay nag-viral kamakailan. Nagbukas ito ng usapin tungkol sa isyu sa seguridad ng mga gamit na madalas nating makita sa mga patok na "samgyupsal style" o "DIY cooking" restaurants.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

