JV Ejercito, pinatunayang posibleng mag-bike patungo sa trabaho
- JV Ejercito ay nag-viral matapos ibahagi ang kanyang karanasan sa pagbibisikleta patungo sa Senado bilang sagot sa mahal na presyo ng petrolyo
- Naniniwala ang senador na ang pagbibisikleta ay isang epektibong paraan upang makatipid sa gastos sa gasolina at makakuha ng libreng ehersisyo
- Pinag-aaralan na ni JV Ejercito ang pagbibigay ng mga insentibo para sa mga manggagawang pipiliing mag-bike sa ilalim ng bike-to-work programs
- Ang hakbang na ito ay bunsod ng muling pagtaas ng presyo ng langis nitong March 10 dahil sa tensyong nagaganap sa pagitan ng ilang bansa sa Middle East
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa gitna ng sunod-sunod na balita tungkol sa pagtaas ng presyo ng gasolina, isang kakaibang eksena ang ipinamalas ni Senador JV Ejercito. Sa halip na sumakay sa mamahaling sasakyan, pinili ng senador na gamitin ang kanyang bisikleta patungo sa Senado upang ipakita na posible ang alternatibong transportasyon kahit para sa mga nasa gobyerno.

Source: Facebook
Sa kanyang naging post sa Facebook, ibinahagi ni JV ang mga larawan ng kanyang pagbibisikleta. Naniniwala siya na ito ang tamang panahon para yakapin ang ganitong lifestyle. “Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, isang magandang paraan ang pagbibisikleta para makatipid at makapag-exercise na rin,” ang naging pahayag ng senador.
Hindi lamang basta pagtitipid ang layunin ni JV kundi pati na rin ang pagtutulak ng mas maayos na imprastraktura para sa mga bikers. Binigyang-diin niya na kasalukuyan nang pinag-aaralan ng pamahalaan ang paglalagay ng mga dedikadong bike lanes para sa kaligtasan ng publiko. Kasama rin sa tinitingnan ang pagbibigay ng reward sa mga empleyadong pipiliing mag-bike.
“Pinag-aaralan din natin ang mga pag-i-incentivize ng bike-to-work programs para mahikayat ang iba’t ibang sektor at mas maraming indibidwal na piliin ang pagbibisikleta bilang praktikal at environment-friendly na paraan ng pagbiyahe,” dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang hakbang na ito ay nagkataon sa paglobo ng presyo ng petrolyo nitong nakaraang Martes, March 10, dulot ng tensyon sa pagitan ng United States, Israel, at Iran. Bagama't tiniyak ni President Bongbong Marcos Jr. na sapat ang supply ng langis sa bansa para sa susunod na 50 hanggang 60 araw, marami pa rin ang nababahala sa epekto nito sa bulsa.
Si Senador JV Ejercito ay kilala sa bansag na "The Good One" at matagal nang adbokasiya ang maayos na transportasyon at imprastraktura sa Pilipinas. Bukod sa pagiging mambabatas, isa rin siyang active lifestyle enthusiast na madalas makita sa mga outdoor activities gaya ng biking at motorcycling, na ginagamit niya upang mas mapalapit sa damdamin ng mga ordinaryong commuter.
Dahil sa kanyang ipinakitang ehemplo, marami ang umaasa na mas mapapabilis ang mga proyekto para sa mga siklista at magkaroon ng mas ligtas na kalsada para sa lahat ng Pilipino na nais makatipid at maging eco-friendly.
Bukod sa kanyang kampanya para sa pagbibisikleta, hindi rin nagpahuli si JV Ejercito sa pagbibigay ng opinyon sa mga isyung kalsada gaya ng road rage. Sa ulat ng Kami.com.ph, mariing kinondena ng senador ang mga maling asal sa kalsada at pinaalalahanan ang mga drayber na huwag kailanman i-tolerate ang anumang uri ng agresibong pag-uugali habang nagmamaneho.
Matatandaan din na naging usap-usapan ang pagkakaligtas ni JV sa isang insidente sa kalsada kung saan muntik nang tamaan ang kanyang sasakyan. Ibinahagi niya ang kanyang pasasalamat at sinabing siguradong ospital ang bagsak niya kung nagkataong mas malubha ang naging tama ng SUV sa kanya, bagay na lalong nagpatibay sa kanyang adbokasiya para sa road safety.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

