Vlogger na si Francis Leo Marcos, ililipat na sa city jail matapos ang kontrobersyal na pag-aresto

Vlogger na si Francis Leo Marcos, ililipat na sa city jail matapos ang kontrobersyal na pag-aresto

  • Pormal nang inilipat ang kustodiya ng kontrobersyal na vlogger na si Norman Mangusin o mas kilala bilang Francis Leo Marcos sa pasilidad ng BJMP sa Parañaque City
  • Ipinag-utos ng RTC Branch 294 ang paglilipat matapos mabigo ang vlogger na magbayad ng itinakdang piyansa na nagkakahalaga ng P120,000 nitong Huwebes, Pebrero 26
  • Nahaharap si Mangusin sa 12 counts ng unjust vexation na isinampa ng kapwa vlogger na si Makagago dahil sa mga umano'y ginawa nito sa publiko
  • Nagtaka naman ang mga otoridad dahil sa kabila ng kaniyang mga claim na siya ay napakayaman ay hindi nito agad nabayaran ang kaniyang pansamantalang kalayaan

Mula sa pansamantalang kustodiya ng pulisya, tuluyan na ngang inilipat ang vlogger na si Norman Mangusin, o mas kilala bilang si Francis Leo Marcos, sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility sa Parañaque City. Ito ay matapos makatanggap ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng opisyal na commitment order mula sa korte nitong Pebrero 26, 2026.

Read also

Manny Pacquiao, hindi pinalampas ang panlalait umano sa kaniyang mahal sa buhay

Vlogger na si Francis Leo Marcos, ililipat na sa city jail matapos ang kontrobersyal na pag-aresto
Vlogger na si Francis Leo Marcos, ililipat na sa city jail matapos ang kontrobersyal na pag-aresto (📷ABS-CBN News/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Napolcom Vice Chairperson at Executive Officer Commissioner Rafael Calinisan, ang kautusan ay nagmula sa Regional Trial Court Branch 294. “I was informed that there is an order issued by the RTC Branch 294 committing si Mangusin to be transferred to the BJMP in Parañaque City. So it was just signed and we received that order today February 26,” pahayag ni Calinisan sa media.

Naging sentro ng usap-usapan ang hindi pagpipiyansa ng vlogger. Marami ang nagulat dahil ang halagang kailangan para sa kaniyang pansamantalang kalayaan ay nasa P120,000 lamang. Pagtataka ni Calinisan, “Actually, sa totoo, nagtataka ako. P120,000 lang ‘yung piyansang pinag-uusapan dito and it appears hindi siya nag piyansa or hindi niya nakayanan mag piyansa.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ng opisyal, tila hindi tumutugma ang sitwasyon sa mga naging pahayag ni Mangusin sa kaniyang mga videos noon. “Hindi siya nakapagpiyansa, therefore ililipat siya sa BJMP so that is suprising kasi he claims he is a trillionaire. He claims he is extremely rich and yet he cannot afford or choose not bail himself out just for P120,000 bail,” saad pa ni Calinisan.

Read also

Atty. Levi Baligod, inamin ang pagkakamali sa pagdawit kay Leila de Lima sa 'maleta' issue

Matatandaang dinakip si Mangusin noong Pebrero 24 dahil sa 12 counts ng unjust vexation na isinampa ng vlogger na si Makagago. Nilinaw naman ni Calinisan na ang paglilipat sa BJMP ay bahagi ng tamang proseso ng batas at hindi isang anyo ng parusa habang nililitis pa ang kaso. Sinagot din niya ang mga kritiko na nagsasabing layon lamang hiyain ang vlogger sa harap ng publiko. “Siguro hindi na ko kailangan mag-comment dyan, nandiyan na ‘yan. And mahaba ang listahan ni Mangusin sa publiko, publicly. Self-explanatory. The offense that Mangusin did was committed publicly against these multiple people,” pagtatapos niya.

Si Francis Leo Marcos ay nakilala sa social media dahil sa kaniyang mga "Mayaman Challenge" at mga video kung saan ipinapakita niya ang kaniyang marangyang pamumuhay at pagtulong sa kapwa. Gayunpaman, ilang ulit na rin siyang nasangkot sa mga legal na isyu at kinuwestiyon ng ilang otoridad ang kaniyang tunay na pagkakakilanlan at yaman sa mga nakaraang taon.

Read also

Hamon sa kalusugan ni Claudine Barretto, ibinahagi sa gitna ng paghahanda para sa pelikula

Ang kaniyang kasalukuyang sitwasyon ay patuloy na sinusubaybayan ng kaniyang mga followers at bashers sa social media, lalo na't nadaragdagan pa ang mga nagnanais magsampa ng reklamo laban sa kaniya.

Sa huling ulat, tuluyan na ngang pumasok sa piitan si Francis Leo Marcos matapos ang ilang araw na pananatili sa kustodiya ng CIDG. Ang paglilipat na ito ay naging maugong sa social media dahil sa mga naging pahayag ng vlogger tungkol sa kaniyang yaman na tila sumalungat sa kaniyang hindi pagbabayad ng piyansa.

Samantala, nadagdagan pa ang kinakaharap na problema ni Mangusin matapos magpahayag ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na magsasampa rin ito ng kaso laban sa kaniya. Ayon kay Pacquiao, hindi niya mapapalampas ang paninira umano ng vlogger sa kaniyang pamilya, partikular na kay Mommy Dionisia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate