Manny Pacquiao, magsasampa ng kaso laban sa vlogger na nanira umano sa kaniyang ina
- Nakahanda na ang legal team ni Manny Pacquiao na magsampa ng kaso laban sa vlogger na si Norman Mangusin o mas kilala bilang Francis Leo Marcos dahil sa umano’y paninirang-puri
- Ibinunyag ng Pambansang Kamao na labis siyang nasaktan sa naging panlalait ng vlogger sa kaniyang ina na si Mommy Dionisia Pacquiao at sa pagpapakalat ng maling impormasyong may utang siya rito
- Nadakip si Mangusin ng mga awtoridad noong Pebrero 24, 2026 sa isang hotel sa Maynila habang naka-live sa social media dahil sa kinakaharap na warrant of arrest
- Binigyang-diin ni Pacquiao na bagama’t isa siyang Kristiyano ay naniniwala siyang dapat harapin ng mga lumalabag sa batas ang kaukulang kaparusahan mula sa gobyerno
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi na pinalampas ng boxing legend at dating senador na si Manny Pacquiao ang mga ginawang pahayag ng vlogger na si Norman Mangusin, o mas kilala sa mundo ng social media bilang "Francis Leo Marcos." Nitong Biyernes, Pebrero 27, 2026, kinumpirma ni Pacquiao na handa na ang kaniyang abogado para sa pagsasampa ng mga kaso.

Source: Instagram
Ayon sa Pambansang Kamao, kailangang managot si Mangusin dahil sa pagpapakalat nito na mayroon siyang utang sa vlogger, gayong hindi pa naman daw sila nagkikita sa personal kailanman. “’Yong abogado ko, naka-ready na siya. May mga violations siya, especially ‘yong nagke-claim siya na may utang ako sa kanya. Hindi ko pa rin siya nakikita, hindi ko pa siya na-meet in person,” matapang na pahayag ni Pacquiao.
Bukod sa isyu ng pera, mas sumama ang loob ni Pacquiao dahil sa naging pagtrato ng vlogger sa kaniyang ina na si Mommy Dionisia. Ayon sa ulat, tinawag umano ni Mangusin ang matandang Pacquiao na mukhang bakulaw, bagay na hindi matanggap ng kaniyang anak. “Parang sabi niya ‘yong mama ko na mukhang bakulaw. So hindi maganda ‘yan. Nasasaktan ako no’n,” dagdag pa ng boksingero.
Para kay Pacquiao, tama lamang na harapin ng vlogger ang rehas dahil sa masamang impluwensya nito. “’Yong pagsisira niya sa pangalan ko na mag-claim siya na may utang ako sa kanya, masama. Alam mo, hindi maganda ‘yung mga gano’ng tao. Dapat h’wag tularan. Tama ‘yong kulong na siya para manahimik na siya doon,” aniya.

Read also
Rabiya Mateo, may mahalagang paliwanag kung bakit 'healing' ang prayoridad ngayon kaysa sa pag-ibig
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bagama't kilalang madasalin at mapagpatawad, naniniwala si Pacquiao na may hangganan ang lahat at dapat manaig ang batas ng tao. Paliwanag niya, “As a Christian, I don't want to put grievances against someone. But we understand that there is an authority, which is the government na-establish to punish all those wrongdoers. Ipaubaya natin sa gobyerno ‘yong mga lumalabag sa batas at nang-aabuso, may haharapin silang kaparusahan.”
Matatandaang naging viral ang pag-aresto kay Mangusin noong Martes, Pebrero 24, habang kumakain sa Sheraton Hotel. Aktong nakunan sa sarili niyang social media live ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng CIDG NCR, na kalaunan ay kinumpirma ni NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan.
Sa kabila ng mga legal na usaping ito, nananatiling aktibo si Manny Pacquiao sa iba’t ibang larangan, kabilang ang palakasan kung saan patuloy siyang sumusuporta sa mga atletang Pilipino at muling pinag-uusapan ang kaniyang pagbabalik sa lona.
Muling nabuhay ang excitement sa mundo ng boxing matapos ang mga ulat na posibleng magharap muli sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa isang exhibition match. Ang balitang ito ay nagdulot ng malaking hula-hula sa mga fans kung muli bang maipapakita ng Pambansang Kamao ang kaniyang bagsik sa loob ng ring.
Sa kabilang banda, ipinakita rin ni Pacquiao ang kaniyang suporta sa ibang sports nang ihayag niyang siya ay proud na proud sa tagumpay ng tennis player na si Alex Eala. Sa kaniyang social media, binati niya ang batang atleta sa karangalang ibinibigay nito sa bansa, na nagpapakita ng kaniyang pagiging inspirasyon sa mga kabataang Pinoy.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

