Bahagi ng pribadong landfill sa Rodriguez, Rizal, gumuho; tatlo ang pinangangambahang nasawi

Bahagi ng pribadong landfill sa Rodriguez, Rizal, gumuho; tatlo ang pinangangambahang nasawi

  • Gumuho ang bahagi ng isang pribadong landfill sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal nitong hapon ng Biyernes, Pebrero 20 matapos bumuka ang gabundok na basura rito
  • Ayon sa pahayag ng MDRRMO Rodriguez, tatlong indibidwal ang pinangangambahang nasawi sa naturang insidente at kasalukuyan pang bineberipika ang kanilang kalagayan
  • Mariing pinabulaanan ng mga otoridad ang mga kumakalat na ulat sa social media na umabot na sa 50 indibidwal ang pumanaw dahil sa trahedya
  • Patuloy ang monitoring at imbestigasyon ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan sa paligid ng pasilidad at malaman ang sanhi ng pagguho ng basura

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nagdulot ng matinding pangamba ang naganap na pagguho sa isang pribadong landfill sa Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal nitong nagdaang Biyernes, Pebrero 20. Batay sa ulat mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Rodriguez, bumuka ang gabundok na basura sa naturang pasilidad na naging sanhi ng landslide.

Hindi bababa sa 50 katao, nawawala matapos ang malagim na pagguho ng landfill sa Rodriguez, Rizal
Hindi bababa sa 50 katao, nawawala matapos ang malagim na pagguho ng landfill sa Rodriguez, Rizal (📷ABS-CBN News)
Source: Facebook

Sa kasalukuyan, iniulat ng MDRRMO na nasa tatlong indibidwal ang pinangangambahang nasawi sa insidente. Agad na rumesponde ang mga awtoridad upang magsagawa ng kinakailangang search and retrieval operations sa pinangyarihan ng pagguho.

Read also

40-anyos na vlogger, natagpuang wala nang buhay sa isang liblib na lugar sa Tayabas City

Kasunod ng mga bali-balitang mabilis na kumalat sa online community, naglabas ng paglilinaw ang lokal na pamahalaan. Pinabulaanan ng MDRRMO ang mga ulat na nagsasabing umabot sa 50 indibidwal ang nasawi mula sa naturang trahedya. Binigyang-diin ng mga opisyal na mahalagang maghintay sa beripikadong impormasyon upang hindi magdulot ng labis na takot sa publiko.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa pamunuan ng landfill upang masiguro na sapat ang ginagawang hakbang para sa kaligtasan ng mga manggagawa at mga residente sa paligid. Ang insidenteng ito ay muling nagbukas ng usapin tungkol sa maayos na pangangasiwa sa mga dumpsite at landfills sa lalawigan upang maiwasan ang mga katulad na sakuna sa hinaharap.

Mariing nanawagan si Kadamay Sec. General Mimi Doringo para sa agarang aksyon mula sa lokal na pamahalaan at sa pamunuan ng International Solid Waste Integrated Management Specialist, Inc. (ISWIMS).

“Kailangan po maglunsad ng maramihan at mabilisang magre-rescue. Pangunahin dapat na ginagawa ng local government kasama ang management ng ISWIMS ay ‘yong buhay. Siguraduhin na ma-retrieve ‘yong mga nabanggit na mga bangkay at ‘yong pangunahin talaga, mayroon pa tayong makuha na survivors talaga,” saad ni Doringo.

Binigyang-diin din ni Doringo ang kaligtasan ng mga mangangalahi at nanawagan na itigil ang diumano’y pananakot sa mga manggagawa. Ayon sa ulat, ito na ang ika-anim na pagkakataong nagkaroon ng pagguho sa lugar.

Read also

Dahil sa isang aso, natuklasan ang bangkay ng nawawalang 12-anyos sa Toledo City

“Kasi pahirap po sa kanilang ‘yong pabalik-balik na pananakot, ‘yong pagbabanta na wag silang magsalita, kasi mawawalan sila ng trabaho. Malaki pong trauma ‘yon, malaki pong mental stress ‘yon sa mga kababayan nating maralita,” dagdag pa niya.

Ang Rodriguez (dating Montalban) ay kilala bilang isa sa mga pangunahing bagsakan ng basura mula sa Metro Manila, at ang mga landfill sa lugar ay nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng maraming pamilyang maralita sa pamamagitan ng pangangalahi.

Ang trahedyang ito sa Rizal ay muling nagpaalala sa mga katulad na insidente sa bansa na kumitil din ng maraming buhay dahil sa mga landfill landslide.

Matatandaang isang malaking landslide din ang tumama sa isang landfill sa Cebu City kamakailan. Agad na inilunsad ang search and rescue operations para sa mga nawawalang indibidwal matapos matabunan ang ilang bahagi ng nasabing pasilidad. Ang insidente ay nagdulot ng pansamantalang paghinto ng operasyon sa lugar habang tinitiyak ang seguridad ng mga residente sa paligid.

Sa isa pang ulat, mabilis na tumaas ang bilang ng mga nasawi sa landslide na naganap sa Binaliw landfill. Naging hamon para sa mga rescuers ang mapanganib na kondisyon ng lupa at ang masamang panahon na nagpahirap sa paghahanap sa mga biktima. Ang trahedyang ito ay nagbunsod ng mas malalim na panawagan para sa mas mahigpit na regulasyon sa pangangasiwa ng basura sa bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate