GMA reporter, Bam Alegre, nahulog sa gilid ng barko habang nagko-cover ng balita

GMA reporter, Bam Alegre, nahulog sa gilid ng barko habang nagko-cover ng balita

  • Nailigtas ang GMA News reporter na si Bam Alegre matapos mahulog sa dagat habang naka-duty sa Port Area sa Maynila
  • Nangyari ang insidente habang inihahatid ang mga mamamahayag patungo sa base area ng Philippine Coast Guard
  • Nanatiling kalmado si Bam at ginamit ang kanyang training upang makalutang at humingi ng tulong
  • Matapos magamot, nagpatuloy pa rin siya sa kanyang mga gawain at ibinahagi ang kanyang realizations sa buhay

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Bam Alegre on Facebook
Bam Alegre on Facebook
Source: Facebook

Nailigtas ang GMA News reporter na si Bam Alegre matapos siyang madulas at mahulog sa dagat mula sa isang barko nitong madaling-araw ng Lunes. Nasa Pier 13 siya sa Port Area sa Maynila para i-cover ang mga nailigtas mula sa lumubog na barko sa West Philippine Sea nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Bam, inihahatid siya kasama ang iba pang mamamahayag patungo sa base area ng Philippine Coast Guard para magpahinga. Madilim umano ang lugar at makitid ang dinadaanan. May bahagi rin ng pantalan na hindi pantay ang sahig at tila lumulubog.

Read also

17-anyos na babae, tinodas ng ex; bangkay, tinapon sa tapat ng bahay

Dahil dito, nadulas siya at tuluyang nahulog sa makitid na pagitan ng barko at ng pantalan. Wala siyang nakapitan at dire-diretso siyang bumagsak sa dagat. Napansin niyang malalim ang tubig dahil hindi niya maabot ang ilalim.

Tinatayang mula sa taas na hindi bababa sa 10 talampakan ang kanyang binagsakan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng takot, pinilit niyang manatiling kalmado at inalala ang dating training.

"Tinandaan ko ang training. Lutang = langoy aso. Muscle memory. Padyak. Padyak. Gumana! Nakakapit. Nakaligtas," saad niya sa kanyang Facebook post.

Lumangoy siya upang manatiling nakalutang hanggang sa makasingaw sa ibabaw ng tubig. Doon siya sumigaw ng tulong at kumapit sa isang haligi na may matutulis na kabibe, dahilan upang masugatan ang kanyang mga daliri.

Agad namang naghagis ang Philippine Coast Guard ng floating device na may lubid upang mailigtas siya. Binigyan siya ng paunang lunas at dinala sa Manila Doctors Hospital para sa anti-tetanus shot.

Matapos makalabas ng ospital, dumiretso pa rin si Bam sa isang pagtitipon sa Bacoor. Ayon sa kanya, napagtanto niyang sinuwerte siya at mas nais niyang sulitin ang bawat araw ng kanyang buhay.

Bagaman natatawa na lang ngayon, aminado siyang hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang naging panganib na kanyang pinagdaanan.

Read also

Sikat na babaeng content creator, natagpuang patay sa loob ng kanyang apartment

Tignan ang Facebook post ni Bam Alegre:

Sa naunang lokal na artikulo a nilathala ng KAMI, isang bagong silang na sanggol na lalaki ang natagpuang iniwan sa bubungan ng isang bahay sa Cagayan de Oro City. Nadiskubre ang sanggol matapos marinig ang kaniyang iyak bandang hatinggabi sa Barangay Canitoan. Dinala agad sa ospital ang sanggol at sinabing nasa maayos na kondisyon na siya. Sinimulan na ng barangay council ang imbestigasyon para matukoy kung sino ang nag-iwan sa sanggol.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na lalaki ang nakulong matapos akusahan ng panghihipo sa pitong-taong-gulang na kapitbahay sa Marikina. Nangyari ang insidente halos dalawang taon na ang nakalipas, ayon sa ulat ng pulisya. Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest at hindi na pumalag sa pag-aresto. Nahaharap ang akusado sa kasong acts of lasciviousness habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: