17-anyos na babae, tinodas ng ex; bangkay, tinapon sa tapat ng kanilang bahay

17-anyos na babae, tinodas ng ex; bangkay, tinapon sa tapat ng kanilang bahay

  • Nasawi ang isang 17-anyos na babae matapos umanong sakalin ng kanyang dating live-in partner sa Lipa, Batangas
  • Natagpuan ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi sa tapat ng kanilang bahay
  • Ayon sa imbestigasyon, nagpaalam ang dalagita na may dadaluhang birthday party ngunit hindi na nakauwi
  • Selos ang tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa krimen

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Kat Wilcox on Pexels
Kat Wilcox on Pexels
Source: Original

Nasawi ang isang 17-anyos na babae matapos umano siyang patayin sa sakal ng kanyang dating live-in partner sa Lipa City, Batangas. Ang bangkay ng biktima ay itinapon lamang sa madamong bahagi sa harap mismo ng tinitirhan ng biktima.

Batay sa ulat ni Vonne Aquino sa GMA News 24 Oras Weekend, naganap ang insidente noong Enero 22, 2026. Ayon sa kapatid ng biktima, masakit para sa kanilang pamilya ang sinapit nito dahil nais pa sana nilang maisugod sa ospital ang dalagita sa pag-asang mailigtas pa ang buhay nito.

Ikinuwento rin ng kapatid ng biktima na labis ang hinagpis nila sa ginawa sa kanilang kapatid matapos itong iwan na lamang na parang basura. Dagdag pa niya, hindi nila inaasahan ang sinapit ng kanyang kapatid.

Read also

Sikat na babaeng content creator, natagpuang patay sa loob ng kanyang apartment

Sa imbestigasyon ng mga pulisya, lumabas na nagpaalam ang biktima na aalis sa kanilang bahay dahil dadalo umano siya sa isang birthday party. Gayunpaman, hindi na ito muling nakauwi, kaya agad na kinabahan ang kanyang pamilya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Itinuturing na pangunahing suspek sa krimen ang dating kinakasama ng biktima. Ayon sa mga awtoridad, nakipagkita umano ang lalaki sa dalagita upang magbigay ng sustento para sa kanilang anak.

Naaresto naman kinalaunan ang suspek at umamin umano na sinakal niya ang biktima hanggang sa mamatay ito. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang buong detalye ng naturang insidente.

Sa ngayon, selos ang pangunahing tinitingnang motibo ng mga awtoridad sa nangyaring krimen.

Panuorin ang ulat sa bidyong ito:

Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Sharon Cuneta, ipinasyal at ipinamili ang kanyang mga tapat na "angels"

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: