RORO vessel sa Basilan, tumaob; 18 patay, 24 nawawala

RORO vessel sa Basilan, tumaob; 18 patay, 24 nawawala

  • Umakyat na sa 18 ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 sa bahagi ng karagatan ng Basilan
  • Ayon sa mga awtoridad, 317 pasahero ang ligtas na nasagip habang 24 pa ang patuloy na hinahanap
  • Lumubog ang RORO ferry matapos bumiyahe mula Zamboanga City patungong Jolo, Sulu noong Linggo ng gabi
  • Samantala, patuloy ang rescue operations sa tulong ng Coast Guard, AFP, at mga lokal na pamahalaan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Motin Ferrera JhiNg on Facebook
Motin Ferrera JhiNg on Facebook
Source: Facebook

Umakyat na sa 18 ang bilang ng mga nasawi sa mga sakay ng roll-on/roll-off ferry vessel na M/V Trisha Kerstin 3 matapos itong lumubog sa karagatang bahagi ng Basilan noong Lunes ng madaling araw.

Kinumpirma ito ng Coast Guard District Southwestern Mindanao bandang 11:21 ng umaga nitong Enero 26. Ayon sa ulat, may 24 pang pasahero ang patuloy na hinahanap ng mga rescuer.

Sa panayam kay Basilan Governor Mujiv Hataman, sinabi niyang umabot na sa 317 ang bilang ng mga pasaherong ligtas na nasagip mula sa insidente. Agad din siyang nagtungo sa pantalan ng Isabela City upang personal na subaybayan ang rescue operations.

Read also

Sikat na babaeng content creator, natagpuang patay sa loob ng kanyang apartment

Binisita rin ng gobernador ang ilang survivor na dinala sa ospital para sa agarang gamutan at pagsusuri. Makikita rin sa kanyang Facebook page ang ilang live video ng pagdating ng mga nailigtas sa pier.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Batay sa Coast Guard, may 332 pasahero at 27 crew members ang sakay ng M/V Trisha Kerstin 3 nang lumubog ito may 2.75 nautical miles northeast ng Baluk-Baluk Island, Basilan. Bumiyahe ang barko dakong 9:20 ng gabi ng Linggo mula sa Port of Zamboanga City patungong Jolo, Sulu.

Nilinaw ng Coast Guard na hindi overloaded ang ferry nang mangyari ang insidente. Nang makatanggap ng distress call mula sa Sea Marshal onboard, agad na rumesponde ang BRP Tubattaha mula Zamboanga City.

Tumulong din sa rescue ang ilang commercial vessels, Armed Forces of the Philippines, iba’t ibang ahensya ng gobyerno, at mga lokal na pamahalaan. Ilan sa mga pasahero ay unang nasagip ng Bantay-Dagat ng Barangay Baluk-Baluk bago isinailalim sa kustodiya ng Coast Guard.

Ayon pa sa Coast Guard, walang namataang oil spill sa lugar. Ang M/V Trisha Kerstin 3 ay pag-aari ng Aleson Shipping Lines.

Basahin ang naisulat na balita ng GMA News Online 'BalitamBayan' dito upang malaman ang iba pang mga detalye tungkol sa ulat na ito:

Read also

Bianca Gonzalez, naglabas ng saloobin ukol sa tourism: "Totoo, bakit ganun"

Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: