Government employee na nag-viral matapos manakit ng kapwa motorista, pinapatawag ng LTO

Government employee na nag-viral matapos manakit ng kapwa motorista, pinapatawag ng LTO

  • Naglabas ang LTO ng show-cause order laban sa isang empleyado ng gobyerno na nasangkot sa away-trapiko
  • Makikita sa viral video ang pananakit at pakikipagtalo ng driver sa isang e-bike rider
  • Isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang lisensiya ng nasabing driver
  • Iginiit ng LTO na dapat maging huwaran ang mga kawani ng gobyerno sa kalsada

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

cottonbro studio on Pexels
cottonbro studio on Pexels
Source: Original

Naglabas ng show-cause order ang Land Transportation Office laban sa isang empleyado ng gobyerno na nahuli sa video na nakipagtalo at nanakit ng kapwa motorista.

Ayon sa LTO, ang nasabing driver ay sakay ng Toyota Innova at sinadyang huminto sa gitna ng kalsada upang harangin at komprontahin ang isang e-bike rider.

Batay sa kumalat na video sa social media, makikitang nagtatalo ang dalawa habang nakaupo sa kanyang e-bike ang biktima. Itinuro pa ng e-bike rider ang pulang plaka ng SUV at pinaalalahanan ang driver na siya ay isang kawani ng gobyerno.

Sa kabila nito, nagpatuloy ang mainit na sagutan hanggang sa suntukin ng driver ang braso ng e-bike rider.

Read also

5 ulo, natagpuang nakatali sa dalampasigan; umano'y mga miyembro ng "vaccine cards

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil sa insidente, ipinatawag ng LTO ang driver ng Innova at ang rehistradong may-ari ng sasakyan upang humarap sa Intelligence and Investigation Division sa Quezon City sa Enero 27, alas-1 ng hapon. Inatasan din silang magsumite ng sinumpaang paliwanag kung bakit hindi sila dapat sampahan ng kasong administratibo dahil sa obstruction.

Inutusan din ang driver na ipaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang kanyang lisensiya dahil sa pagiging hindi angkop na magmaneho, alinsunod sa Republic Act 4136. Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, inilagay sa alarm status ang SUV kaya bawal muna itong isailalim sa anumang transaksiyon.

Ipinataw din ng LTO ang 90-araw na preventive suspension sa lisensiya ng driver at inatasan siyang isuko ito. Nagbabala ang ahensiya na kapag hindi tumugon ang sangkot, magpapatuloy ang kaso batay sa ebidensiya.

Ayon kay LTO chief Markus Lacanilao, inaasahang maging huwaran ang mga empleyado ng gobyerno at igalang ang batas, lalo na sa mga pampublikong daan.

Read also

Binata, sinaksak sa riot na kinasangkutan ng 67 kabataan

Tignan ang Facebook post ng LTO:

Basahin ang naisulat na balita ng PhilSTAR Life upang malaman ang iba pang mga detalye tungkol sa ulat na ito:

Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: