Binata, sinaksak sa riot na kinasangkutan ng 67 kabataan

Binata, sinaksak sa riot na kinasangkutan ng 67 kabataan

  • Isang 16-anyos na binatilyo ang nasaksak nang tatlong beses sa isang riot sa Quezon City
  • Umabot sa 67 kabataan ang sangkot sa kaguluhan na naganap sa Barangay Greater Lagro
  • Dalawang menor de edad ang itinuturing na suspek at patuloy pang hinahanap ng pulisya
  • Mahaharap sa reklamong frustrated homic*de ang mga responsable sa pananaksak

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

cottonbro studio on Pexels
cottonbro studio on Pexels
Source: Original

Sugatan ang isang 16-anyos na binatilyo matapos masaksak nang tatlong beses sa isang riot na kinasangkutan ng 67 kabataan sa Quezon City. Nangyari ang insidente sa Barangay Greater Lagro, Fairview noong Sabado ng hapon.

Sa video na nakuha ng mga awtoridad, makikita ang takbuhan ng mga kabataan bago sila magharap-harap. Makalipas ang kaguluhan, naiwan ang biktima na nakahiga sa damuhan. May tama siya sa tagiliran, likod, at kamay. Agad siyang dinala sa ospital at patuloy na nagpapagaling.

Ayon sa pulisya, matagal nang may alitan ang dalawang grupo. Napag-alaman na naghamunan umano ang mga ito sa isang chat group kung saan sila magkikita. Dahil dito, ipinatawag ang lahat ng 67 kabataan na pinaniniwalaang sangkot sa riot.

Read also

Karla Estrada, ibinahagi ang kanyang mga naging pagninilay para sa taong 2026

Karamihan sa mga sangkot ay lalaki at may apat na babae. Nasa edad 11 hanggang 16 ang mga kabataan. Pinatawag din ang mga magulang ng mga menor de edad na mula sa Quezon City at Caloocan City.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa tulong ng mga saksi, natukoy ang dalawang 16-anyos na suspek na umano’y nanaksak sa biktima. Positibo ring kinilala ng binatilyo ang isa sa mga ito. Parehong residente ng Barangay Culiat ang hinahanap na suspek at mahaharap sa kasong frustrated hom!cide.

Sa Pilipinas, may pananagutan pa rin sa batas ang isang menor de edad na nanaksak, pero iba ang proseso.

Ayon sa Juvenile Justice and Welfare Act o RA 9344, kung 15 taong gulang pababa ang bata, hindi siya kakasuhan at sa halip ay isasailalim sa intervention program ng DSWD, habang ang mga magulang ang mananagot sa danyos.

Kapag 15 pataas pero wala pang 18, maaari siyang kasuhan kung mapatutunayang may discernment o alam niya ang tama at mali, at ang posibleng kaso ay frustrated hom!cide o attempted hom!cide depende sa pinsala.

Hindi sila ikukulong sa regular na kulungan at sa halip ay ilalagay sa youth facility para sa rehabilitasyon.

Read also

Ilang kabahayan, kasama ang isang karinderya, inararo ng truck sa Antipolo

Panuorin ang ulat ni James Agustin sa 'Balitanghali' ng GMA Integrated News YouTube channel:

Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: