Storekeeper, nawalan ng mahigit P30,000 dahil sa umano’y digital wallet modus

Storekeeper, nawalan ng mahigit P30,000 dahil sa umano’y digital wallet modus

  • Mahigit P30,000 ang nawala sa digital wallet ng isang tindero matapos ang sunod-sunod na failed cash-in attempts
  • Akala ng biktima ay problema lamang sa signal ang dahilan ng hindi matagumpay na transaksyon
  • Natunton ng pulisya ang traysikel na ginamit ng suspek, at iginiit ng drayber na hindi niya alam ang modus
  • May isa pang suspek na pinaghahanap habang inihahanda na ang mga kaukulang kaso

Isang storekeeper sa Baseco, Tondo, Maynila ang nawalan ng mahigit P30,000 sa kanyang digital wallet matapos ang sunod-sunod na hindi matagumpay na cash-in transaction ng umano’y customer.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Ayon sa ulat ni Raffy Tima sa “24 Oras” nitong Martes, ikinuwento ni Sammy Cayao na unang lumapit ang isang lalaki upang mag-cash in ng P200. Nang i-scan niya ang QR code ng customer, hindi naging matagumpay ang transaksyon.

“Noong inano ko na yung QR [code] niya, nag-[unsuccessful]. Sabi ko, ‘Bro, ayaw,” ani Cayao.

Inakala ng biktima na problema lamang sa signal ang dahilan ng aberya kaya inulit pa niya ang pag-scan ng QR code ng dalawang beses.

Read also

Babaeng natagpuan sa storage box, nakapagsumbong muna umano ng death threats bago paslangin

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nang tingnan niya ang kanyang cellphone, wala umanong nabawas sa balanse.

“Nung chineck ko yung cellphone, hindi po talaga nagbawas, sir…Pati ‘yung balance ko andoon pa,” ayon kay Cayao.

Matapos umalis ang unang customer, may isa pang lumapit para magpa-cash in.

Doon na napansin ni Cayao na ang tatlong failed transaction ay nagresulta pala sa kabuuang kaltas na P32,430 sa kanyang digital wallet.

“Lugmok na lugmok, sir. Talagang dugo’t pawis kong pinaghirapan ‘yun, tapos ganoon lang kadali sa akin nawala,” aniya.

Agad niyang ini-report ang insidente sa Baseco Police Station.

Sa imbestigasyon, natunton ng mga pulis ang traysikel na ginamit ng suspek. Ayon sa may-ari, isa rin siyang biktima ng parehong modus.

Hinold naman ng mga awtoridad ang traysikel drayber na umaming kaibigan niya ang suspek at binigyan siya ng pera.

“Pangalawang beses ko pong sama sa kanila, binigyan po ako ng P5,000. Di ko rin po alam na ganun din ang gagawin nila dito sa Baseco po,” pahayag ng drayber.

Read also

Dianne Medina, nagbahagi ng emosyonal na pagbati para sa kanyang mga yumaong magulang

Sinabi ng Baseco Police Station na may isa pang suspek na patuloy na tinutugis at magsasampa na ng mga kaso.

“... Magfa-file tayo ng warrant to disclose data para malaman natin kung kaninong account ‘yan,” ayon kay Lt. Col. Rommel Anicete.

Sa isang naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at napatay sa loob mismo ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Makikita sa CCTV footage na pumasok ang tatlong armadong lalaki sa tindahan, isinara ang roll-up door, at saka sunod-sunod na pinaputukan ang buong pamilya hanggang sa mamatay. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone na pagmamay-ari ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon sa TV5 Frontline Pilipinas, nagsimula umanong makatanggap ng mga banta ang pamilya matapos magpahiram ng P1 milyon sa isang residente ng kanilang barangay na umano’y ginamit ang pera sa negosyo.

Sa isa pang lokal na ulat na naging viral, isang 51-anyos na titser sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sarili niyang asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, isinagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may guwardiya ang paaralan, ngunit dahil pamilyar ang suspek, nakapasok at nakalabas umano siya nang walang kahirap-hirap. Ayon sa mga awtoridad, iginiit ng suspek na nagpunta lamang siya roon upang makipag-usap sa kanyang asawa at ayusin ang kanilang mga problema, ngunit nauwi umano ang usapan sa isang matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)