Babaeng natagpuan sa storage box, nakapagsumbong muna umano ng death threats bago paslangin
- Nakatanggap ng tawag ang ina ng biktima ilang oras bago ang krimen kung saan isiniwalat ang umano’y death threats ng live-in partner
- CCTV ang nakakuha sa suspek na bumibiyahe sakay ng bus habang dala ang storage box noong Bagong Taon
- Natagpuan ang storage box na may lamang bangkay sa isang ilog sa Camarines Norte
- Sumuko ang suspek matapos kumbinsihin ng kanyang ama sa tulong ng pulisya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Ilang oras bago matagpuang patay sa loob ng isang plastic storage box, nakapagsumbong pa umano ang isang babae sa kanyang ina tungkol sa banta sa kanyang buhay mula sa kanyang live-in partner na isang security guard.

Source: UGC
Ayon sa pinsan ng biktima na si Mae Jean Abamongan, nagawa pang tumawag ni Anelis Agocoy mula sa kanyang inuupahang apartment patungo sa kanyang ina na nakatira sa Catarman, Camiguin.
Sa nasabing tawag, ikinuwento ng biktima ang umano’y pagbabanta ng suspek bago pa man ang insidente.
Batay sa salaysay ng biktima sa kanyang ina, sinabi umano ng suspek, “Kapag may nangyari daw po sa kanya, wala daw po maghahanap sa kanya.”

Read also
Dalawa patay, anim sugatan sa truck na nawalan ng preno at umararo ng mga bahay sa Siniloan
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ibinahagi rin ni Abamongan na ayon sa kanyang tiyahin, inamin ng biktima na banta sa kanyang buhay ang sinabi ng suspek.
“Tapos nagkwento yung pinsan ko sa ina niya, nagsabi pa daw yung suspek na papatayin daw po siya,” ayon kay Abamongan.
Bandang alas-8:34 ng gabi noong Araw ng Bagong Taon, kuha sa CCTV ang suspek sa Turbina bus terminal sa Calamba City habang sumasakay ng bus patungong Daet, Camarines Norte, dala ang storage box na kinalaunan ay napag-alamang may lamang bangkay ng biktima.
Natagpuan ang kahon kinabukasan sa isang ilog sa Barangay Pinagwarasan sa Basud, Camarines Norte.
Ayon sa mga imbestigador, nagtungo pa ang suspek sa isang hotel matapos itapon ang kahon bago bumalik ng Laguna at dumaan sa Maynila at Batangas.
Sumuko ang suspek matapos makipag-ugnayan ang pulisya sa kanyang ama, na siyang naghatid sa kanya sa mga awtoridad.
Mariing itinanggi ng suspek ang pagpatay at sinabi niya, “Hindi ko po sinabi na ako ang pumatay sir, hindi ko po sinasadya ang nangyari.”
Giit naman ni Abamongan, hindi katanggap-tanggap ang paliwanag ng suspek.
“Dapat dinala sa ospital, hindi yun tinapon-tapon basta-basta kung saan-saan, kung patay yun pinsan ko dapat binigay niya sa amin hindi yung ibininiyahe pa niya ng malayo,” aniya.
In an earlier report by KAMI, a family of three was shot dead inside their own store in Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. CCTV footage showed three men entering the shop, pulling down the roll-up door, and opening fire on the victims until all of them were killed. Before fleeing the scene, one of the suspects was seen taking a bag and a cellphone belonging to the family. According to Gary De Leon of TV5 Frontline Pilipinas, the victims had allegedly been receiving threats after lending ₱1 million to a barangay resident who was said to have used the money to start a business.
In a separate incident that also drew widespread attention online, a 51-year-old public school teacher in Las Piñas City was stabbed several times by her husband. Based on a report by EJ Gomez on Unang Balita, the attack happened inside the school’s faculty room. Authorities said there was a security guard on duty at the time, but the suspect was able to enter and leave the school without raising suspicion because he was known to people on the premises. The 38-year-old man told police that he went to the school to talk to his wife in an attempt to fix their marital issues, but their discussion reportedly turned into a heated argument that ended in violence.

Read also
18-anyos na binatilyo, patay matapos tumalon sa Pasig River habang tumatakas sa umano’y humahabol
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
