Titser, pumanaw matapos himatayin sa gitna ng classroom observation sa Muntinlupa

Titser, pumanaw matapos himatayin sa gitna ng classroom observation sa Muntinlupa

  • Isang titser ang bigla umanong nahilo at nawalan ng malay habang nagtuturo sa harap ng mga mag-aaral at observer
  • Naisugod pa sa ospital ang titser ngunit binawian din ng buhay makalipas ang ilang oras
  • Kinumpirma ng Teachers’ Dignity Coalition ang insidente at nanawagan ng agarang policy review sa classroom observation
  • Sinabi ng DepEd Muntinlupa na nakikipag-ugnayan na sila sa pamilya at nagsasagawa ng imbestigasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Pumanaw ang isang titser sa Muntinlupa City matapos umanong himatayin at mabagok ang ulo habang isinasagawa ang kanyang classroom observation o Classroom Observation Tool sa loob ng silid-aralan nitong Lunes.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Batay sa paunang ulat, nasa kalagitnaan ng kanyang klase ang titser at nagtuturo sa harap ng mga mag-aaral nang mangyari ang insidente.

Naroon din umano ang dalawang observer nang bigla siyang makaramdam ng pagkahilo, mawalan ng malay, at tuluyang tumumba sa loob ng silid-aralan.

Agad na rumesponde ang mga kasamahan at isinugod ang titser sa pinakamalapit na ospital.

Read also

Aljur Abrenica flinex kasipagan ni AJ Raval sa IG story

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kabila ng agarang pagbibigay ng medikal na atensyon, binawian din ng buhay ang titser makalipas ang ilang oras.

Kinumpirma ng Teachers’ Dignity Coalition ang insidente at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng titser na nagsilbi sa isang pampublikong high school sa Muntinlupa City.

Kasabay nito, nanawagan ang grupo sa Department of Education na agarang repasuhin ang mga umiiral na polisiya sa classroom observation.

Ayon sa kanila, ang proseso ay dapat magsilbing gabay at suporta sa mga titser, at hindi dagdag na pasanin sa kanilang araw-araw na tungkulin sa gitna ng mabigat na workload sa pampublikong edukasyon.

Hiniling din ng Teachers’ Dignity Coalition na bigyang-priyoridad ang kalusugan at kapakanan ng mga titser, lalo na sa mga aktibidad na may kaakibat na pressure at stress.

Para sa grupo, mahalagang tiyakin na may sapat na mekanismo upang maprotektahan ang pisikal at mental na kalagayan ng mga titser sa loob ng paaralan.

Read also

Dalawa patay, anim sugatan sa truck na nawalan ng preno at umararo ng mga bahay sa Siniloan

Samantala, sinabi ng DepEd Muntinlupa na nakikipag-ugnayan na sila sa pamilya ng yumaong titser at nagsasagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga pangyayari at makapagbigay ng nararapat na tulong.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Read also

Ulo ng bagong silang na sanggol natagpuan sa barangay sa Minglanilla, Cebu

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)