Lalaking may bitbit na LPG tank, pumasok sa bakuran ng isang bahay at nabaril ng may-ari
- Dalawang katao ang tinamaan ng bala sa insidente sa Barangay Poblacion, Malasiqui
- Nagsimula ang kaguluhan nang pumasok ang isang lalaki sa bakuran na may dalang LPG tank
- Isang menor de edad na sibilyan ang kabilang sa mga nasugatan
- Mahaharap pa rin sa kaso ang may-ari ng bahay dahil sa baril na walang lisensiya
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Dalawang katao ang nasugatan matapos tamaan ng bala ng baril sa naganap na kaguluhan sa Barangay Poblacion, Malasiqui, Pangasinan.

Source: UGC
Batay sa inisyal na impormasyon, nag-ugat ang insidente sa biglaang pagpasok ng isang lalaki sa loob ng gate ng isang bahay habang may bitbit na LPG tank, na kalaunan ay inihagis niya sa may-ari ng nasabing tahanan.
Sa ulat ni Jewel Fernandez sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, makikita sa CCTV footage na kuha noong Enero 3 ang isang lalaki na pumasok sa bakuran habang hawak ang tangke ng LPG.
Dahil sa takot, isang bata ang makikitang mabilis na tumakbo palayo sa lugar. Ilang sandali pa, makikitang ibinato ng lalaki ang tangke sa may-ari ng bahay.

Read also
18-anyos na binatilyo, patay matapos tumalon sa Pasig River habang tumatakas sa umano’y humahabol
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matapos nito, lumabas ng gate ang may-ari ng bahay at sinundan siya ng lalaki. Bagaman hindi na kita sa CCTV ang sumunod na pangyayari, lumalabas sa imbestigasyon na bumunot umano ng baril ang may-ari ng bahay at nagpaputok ng warning shot.
Sa kasamaang-palad, tinamaan ang lalaki at isang sibilyan na menor de edad.
Ayon kay Malasiqui Police Station officer-in-charge Police Lt. Col. Francisco Sawadan Jr., ipinaliwanag ng may-ari ng bahay ang kanyang panig hinggil sa insidente.
“Iyong intruder nagkabunuan sila, tinumba noong mas malakas. Natumba itong may sakit sa puso, nakuha niya iyong baril niya. Nag-warning shot siya. Iyon ang version niya,” ani Sawadan.
Dinala sa ospital ang dalawang sugatan at kasalukuyan nang nagpapagaling.
Wala pa silang pahayag hinggil sa insidente. Narekober naman ng pulisya ang isang caliber .22 na baril, isang magazine, at tatlong basyo ng bala mula sa may-ari ng bahay.
Napag-alaman din ng pulisya na magkakilala at magkapitbahay ang dalawang lalaki.
Bagaman nagkaroon na umano ng pagkakasundo ang mga sangkot, mananatili pa ring mahaharap sa kaso ang may-ari ng bahay dahil sa paglabag sa batas ukol sa baril.
“Itong nag-warning shot, meron siyang kaso doon sa 10591. Unlicensed owner of firearms, unregistered firearms niya, may natamaan resulting in physical injuries,” ani Sawadan.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang mag-anak na binubuo ng tatlong miyembro ang napatay matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Makikita sa CCTV footage ang tatlong lalaking pumasok sa establisyemento, isinara ang roll-up door, at sunod-sunod na pinaputukan ang mga biktima. Bago tuluyang tumakas, kinuha pa umano ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng pamilya. Batay sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 “Frontline Pilipinas,” nagsimula umanong makatanggap ng mga banta ang pamilya matapos magpautang ng P1 milyon sa isang kapitbahay, na sinasabing ginamit ang pera bilang puhunan sa negosyo.
Samantala, sa isa pang umani ng pansin na lokal na balita, isang 51-anyos na gu*ro sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang pinaslang matapos pagsasaksakin nang paulit-ulit ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may nakatalagang guwardiya ang paaralan, ngunit dahil pamilyar ang suspek sa lugar, nakapasok at nakalabas ito nang hindi agad napigilan. Ikinuwento ng suspek na nagtungo siya sa paaralan upang kausapin ang kanyang asawa at subukang ayusin ang kanilang alitan, subalit nauwi umano ito sa matinding pagtatalo na humantong sa karahasan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

