Babae sa Cavite, nalaman lang na buntis pala siya sa mismong araw na nanganak siya

Babae sa Cavite, nalaman lang na buntis pala siya sa mismong araw na nanganak siya

  • Isang babae mula Dasmariñas, Cavite ang hindi alam na buntis pala siya hanggang sa araw ng kanyang panganganak
  • Ayon sa PhilSTAR Life, nuong una, akala niya ay simpleng pananakit lang ng tiyan ang kanyang naramdaman
  • Doon lamang nalaman ang pagbubuntis matapos siyang dalhin sa emergency room
  • Sa kabilang banda, ligtas naman siyang nanganak ng isang malusog na baby girl

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

MART PRODUCTION on Pexels
MART PRODUCTION on Pexels
Source: Original

Isang babae mula Dasmariñas, Cavite ang nagbahagi ng hindi inaasahang karanasan matapos niyang malaman na buntis siya sa mismong araw ng kanyang panganganak.

Si Frances Moira D. Miranda ay nagsabing ikinagulat niya ang pangyayari tulad ng mga doktor na tumingin sa kanya.

Sa panayam na ibinahagi sa 24 Oras ng GMA noong Disyembre 30, ikinuwento ni Miranda na nagsimula ang lahat sa biglaang pananakit ng kanyang tiyan noong Marso 2025.

Inakala niyang may kinalaman ito sa dati niyang ulcer at hindi niya agad inisip na may ibang dahilan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil hindi na niya kinaya ang sakit, nagpasugod siya sa emergency room.

Read also

5-anyos na anak ng sikat na influencer, namatay dahil sa kumplikasyon sa flu

Doon siya isinailalim sa ilang pagsusuri, kabilang ang pregnancy test sa dugo. Lumabas na positibo ang resulta, na ikinagulat niya pati na rin ng mga doktor.

Ipinaliwanag ni Miranda na wala siyang naramdamang karaniwang senyales ng pagbubuntis.

Hindi siya nasusuka, wala ring kakaibang cravings, at inakala lang niyang bloated ang kanyang tiyan. Ayon sa mga doktor, ang kanyang kondisyon ay tinatawag na cryptic pregnancy.

Habang nasa ospital, sinabi ng doktor na manganganak na siya sa araw ding iyon. Ang una niyang inalala ay kung ligtas ba ang kanyang magiging anak.

Sa huli, ligtas na nanganak si Miranda ng isang malusog na baby girl na pinangalanan niyang Saraya.

Ayon sa mga eksperto, bihira man ang cryptic pregnancy, posible pa rin itong mangyari.

Dahil hindi agad nalalaman ang pagbubuntis, maaaring maapektuhan ang kalusugan ng sanggol dahil sa kakulangan ng prenatal care.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

30-anyos na lalaki arestado matapos i-hostage ang tiyahin at pinsan sa Quezon City

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: