30-anyos na lalaki arestado matapos i-hostage ang tiyahin at pinsan sa Quezon City
- Isang lalaki ang dinakip matapos i-hostage ang dalawang kaanak sa loob ng kanilang bahay sa Batasan Hills
- Halos apat na oras ang itinagal ng tensyon bago siya sumuko sa pulisya
- Ligtas na nailabas ang mga biktima at narekober ang ginamit na gunting
- Nahaharap ang suspek sa kasong Serious Illegal Detention at kasalukuyang nakapiit
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Arestado ang isang 30-anyos na lalaki matapos niyang i-hostage ang sarili niyang tiyahin at pinsan sa loob ng kanilang bahay sa Session Road, Barangay Batasan Hills, Quezon City, noong Lunes ng hapon, Disyembre 29.

Source: UGC
Agad na rumesponde ang mga pulis matapos makatanggap ng ulat tungkol sa insidente na nagdulot ng matinding tensyon sa lugar.
Ayon kay Lt. Col. Aljun Belista, Station Commander ng Batasan Police Station (PS 6), pumasok ang suspek sa kuwarto kung saan naroon ang kanyang 48-anyos na tiyahin at 24-anyos na pinsan.
Doon ay ginamit niya ang isang gunting na hinati sa dalawa upang tutukan at pagbantaan ang mga biktima, habang tumatanggi ring palabasin ang mga ito.

Read also
Dating sekyu at naging magsasaka, nagtapos ng kolehiyo sa edad na 69 at board passer sa edad na 72
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Umabot ng halos apat na oras ang negosasyon bago natapos ang sitwasyon. Bilang kondisyon sa kanyang pagsuko, hiniling ng suspek na makausap ang kanyang tiyuhin.
Sa tulong ng mga kaanak at maingat na pakikipagnegosasyon ng kapulisan, sumuko rin ang lalaki bandang alas-5:00 ng hapon.
Ligtas at walang tinamong sugat ang dalawang biktima nang mailabas mula sa kuwarto. Narekober din ng pulisya ang gunting na ginamit ng suspek sa pangho-hostage.
Batay sa rekord ng pulisya, dati nang nakulong ang suspek dahil sa iba’t ibang kaso, kabilang ang robbery, frustrated murder, murder, resistance and disobedience to authority, at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Sa kanyang depensa, sinabi ng suspek na nagawa niya ang krimen dahil sa labis na pag-aalala na baka may gumanti sa kanya.
“Pakiramdam ko na meron pong nag-aantay sa akin, meron pong nag-aabang… Pasensya na po sa mga kamag-anak ko sana hindi na po mauulit. Tanggapin ko po ito na makulong na lang po ako,” aniya.
Kasalukuyan nang nakapiit ang lalaki sa custodial facility ng Batasan Police Station at nahaharap sa reklamong Serious Illegal Detention.
In a previous report by KAMI, a tragic incident unfolded in Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija, where a family of three was shot dead inside their own store. Authorities said CCTV footage captured three men entering the establishment, lowering the roll-up door, and opening fire on the victims until all of them were killed. Before escaping, one of the suspects was reportedly seen taking a bag and a cellphone from the scene. TV5 Frontline Pilipinas correspondent Gary De Leon also shared that the family had allegedly been receiving threats after lending ₱1 million to a barangay resident, who was said to have invested the money in a business.
Meanwhile, another disturbing local case that gained widespread attention involved a 51-year-old public school teacher in Las Piñas City who was repeatedly stabbed by her husband. According to a report by EJ Gomez on Unang Balita, the 38-year-old suspect attacked the victim inside the school’s faculty room. Police noted that although a security guard was present on campus, the suspect was able to enter and leave without issue because he was known to the school community. Authorities added that the suspect claimed he went to the school to speak with his wife and resolve their problems, but the conversation allegedly turned into a heated confrontation that ended in a violent assault.

Read also
Sherra De Juan, isinalaysay ang ilang pangyayari bago siya natagpuan ng taong tumulong sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
