Lalaki, nag-amok sa isang paaralan sa Aklan; 5 sugatan

Lalaki, nag-amok sa isang paaralan sa Aklan; 5 sugatan

  • Limang katao ang nasugatan matapos magwala ang isang lalaki sa loob ng isang elementary school sa Lezo, Aklan
  • Kabilang sa mga nasaktan ang isang batang estudyante at isang ina na nagtanggol sa kaniyang anak
  • Nangyari ang insidente habang may Mister and Miss Christmas coronation program sa paaralan
  • Naaresto ang 41-anyos na suspek at haharap sa iba’t ibang kaso

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kat Wilcox on Pexels
Kat Wilcox on Pexels
Source: Original

Limang katao ang nasugatan, kabilang ang isang batang estudyante, matapos magwala ang isang lalaki sa loob ng bakuran ng isang elementary school sa Lezo, Aklan.

Umabot pa sa kalsada ang kaguluhan dahil sa walang tigil na pamalo ng suspek gamit ang mga basyo ng bote.

Ayon sa ulat ni Julius Belacaol ng GMA Regional TV One Western Visayas, idinaraos ang Mister and Miss Christmas coronation program sa paaralan noong Lunes nang bigla na lang mangyari ang pananakit.

Nagulat ang mga teacher, magulang, at mga estudyante sa biglaang pagwawala ng lalaki.

Read also

Kiray Celis, may post ukol sa pagiging 'on-screen husband to best man' ni Enchong Dee

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Habang tumatagal ang insidente, lumala ang sitwasyon at umabot sa labas ng paaralan.

Dahil dito, may ilang residente ang napilitang gumanti upang mapigilan ang suspek, na naging dahilan din ng pagkasugat nito.

Isang saksi ang nagsabi na isang ina ang dalawang beses na hinampas sa ulo ng bote matapos niyang ipagtanggol ang kaniyang anak mula sa suspek.

Apat na iba pang biktima ang nagtamo rin ng sugat, kabilang ang isang menor de edad na estudyante.

Agad na dinala sa ospital ang mga nasugatan para magamot.

Isa sa kanila ang kinailangang ma-confine dahil sa tindi ng pinsala.

Naaresto ng mga rumespondeng pulis ang 41-anyos na suspek.

Siya ay mahaharap sa patong-patong na kaso kaugnay ng pananakit at gulo na kaniyang ginawa.

Ayon kay Police Captain Donie Magbanue, OIC ng Lezo Police Station, nalaman na nagpa-check up muna ang suspek bago ang insidente dahil hindi umano ito makatulog.

Read also

Kiray Celis, may pasilip sa bonggang honeymoon nila ni Stephan Estopia sa Amanpulo

May ibinigay na reseta ang doktor, ngunit hindi pa raw nito naiinom ang gamot.

Panuorin ang ulat ng One Western Visayas sa GMA Regional TV YouTube channel:

Sa naunang lokal na ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang binaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pagkatapos ay binaril hanggang mamatay ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone ng mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 Frontline Pilipinas, nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos silang magpahiram ng P1-M sa isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sariling asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez sa Unang Balita, nagawa ng 38-anyos na suspek ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng pulisya na may security guard ang eskwelahan, pero dahil pamilyar na mukha ang suspek, madali siyang nakapasok at nakalabas. Sabi ng suspek, pumunta siya roon para kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang alitan, pero nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: