Robin Padilla urges respect toward elderly after Guanzon's mall confrontation

Robin Padilla urges respect toward elderly after Guanzon's mall confrontation

  • Sen. Robin Padilla released a statement after the viral confrontation involving former COMELEC commissioner Rowena Guanzon in a Makati mall
  • Padilla reacted to claims that the person who confronted Guanzon was Filipino, not Chinese
  • The senator reminded the public about laws protecting senior citizens and stressed the need for respect
  • The viral incident continued to draw discussion online, including debates on proper behavior toward seniors

Naglabas ng saloobin si Sen. Robin Padilla matapos mag-viral ang komprontasyon sa pagitan ni dating Commission on Elections (COMELEC) commissioner Rowena Guanzon at isang mall-goer sa Makati City. Kumalat ang video kung saan makikitang nagkaroon ng sagutan matapos umubo si Guanzon habang nasa loob ng mall. Una, inakala ng publiko na isang Chinese national ang sumita sa kanya, pero lumabas sa ilang usapan online na Pinoy umano ang lalaki.

Robin Padilla urges respect toward elderly after Guanzon's mall confrontation
Robin Padilla urges respect toward elderly after Guanzon's mall confrontation (📷Robin Padilla/Facebook)
Source: Facebook

Kasunod nito, diretsong nag-react si Padilla. Ayon sa kanya, Pilipino daw hindi Tsino ang sumita kay atty guanzon sa mall, EH Dİ MAS LALONG KATANGAHAN ang pumanig ka sa PİNOY na yan! SENIOR CITIZEN SI ATTY! nasa batas natin ang pag aalaga at paggalang sa senior citizen.” Dagdag pa ng senador, Magpasalamat nga dapat ang Pinoy na yan at hindi naatake o nadisgrasya dahil highblood si atty sa kawalang modo niya. Anong klaseng Pinoy yan!”

Read also

Alexa Ilacad, naloka sa paggamit ng isang netizen sa photo niya: "Ano po konek"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Binanggit din ni Padilla ang ilang batas na nagbibigay proteksyon at benepisyo sa senior citizens, kabilang ang RA 7432, RA 9257, RA 9994, RA 10645, at RA 11982. Sa huli, paalala niya na bahagi ng kulturang Pilipino ang paggalang sa mas nakatatanda at hindi ang pagsita o pagpapalabas ng isang senior dahil lamang sa pag-ubo.

Patuloy na pinag-uusapan online ang insidente, lalo na’t kilala si Guanzon sa pagiging diretso magsalita sa social media at sa publiko. Sa ilang komento, may mga nagpahayag na dapat ay mas mahinahon ang naging palitan sa mall, habang ang iba naman ay sumuporta sa paninindigan ni Padilla tungkol sa paggalang sa mga nakatatanda.

Si Rowena Guanzon ay dating commissioner ng COMELEC at naging kilala sa mga matitindi niyang opinyon sa mga usapin ng politika at pamahalaan. Naging bahagi siya ng ilang high-profile cases noong nasa komisyon pa siya. Madalas din siyang maglabas ng personal na saloobin sa social media, dahilan para manatili siyang personalidad na madalas pag-usapan.

Read also

Rapper na kilala bilang si 'Poorstacy' pumanaw na sa edad na 26

Samantala, si Robin Padilla ay isang aktor na pumasok sa politika at ngayo’y senador. Kilala siya sa pagiging prangka at sa madalas niyang pagbigay ng opinyon sa mga isyung may kinalaman sa pambansang identidad, kultura, at karapatan ng mga Pilipino.

Samantala, nagbigay si Kylie Padilla ng isang taos-pusong mensahe para sa kaarawan ng kanyang ama. Ikinuwento niya ang pagpapahalaga niya sa presensya ng senador sa kanilang pamilya. Ibinahagi rin niya ang ilang personal na sandali nila bilang mag-ama.

Sa naunang ulat,tinalakay dito ang unang pagdepensa ni Padilla kay Guanzon hinggil sa viral mall incident. Binanggit niya ang pangangailangang igalang ang mga senior citizens at hindi basta-bastang sitahin ang mga ito. Naging bahagi rin ng usapan ang isyu ng pag-uugali at paggalang sa kapwa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: