Babae, nahuling gumagawa ng pekeng e-wallet receipts para ipambayad; umorder P33K sa isang store

Babae, nahuling gumagawa ng pekeng e-wallet receipts para ipambayad; umorder P33K sa isang store

  • Inaresto ng NBI-Batangas ang isang babae na umano’y gumamit ng AI para gumawa ng pekeng e-wallet payment screenshots
  • Ayon sa reklamo, umorder ang suspek ng P33,000 na pagkain at alak mula sa isang restaurant kahit wala namang aktwal na bayad
  • Sinabi ng mga agent na gumamit ang babae ng AI-generated receipts at uma-order tuwing oras ng kasagsagan ng customers
  • Nahaharap ang suspek sa kasong estafa at paglabag sa Cybercrime Prevention Act habang nakakulong sa Batangas City

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Inaresto ng mga awtoridad sa Batangas ang isang babae na umano’y gumamit ng artificial intelligence para gumawa ng pekeng screenshot ng e-wallet payments sa mga online order niya.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Ayon sa ulat ni John Consulta sa "24 Oras," nasakote ng mga operatiba ng NBI-Batangas ang suspek sa isang ikinasang operasyon matapos itong dumating para kunin ang panibago niyang order.

Makikita sa isang surveillance photo na nagkaroon muna ng pag-uusap ang undercover agent at ang babae bago sumalakay ang iba pang operatiba.

Read also

Viral post ni AJ Raval, umani ng reaksiyon mag-post ng picture ng aniya'y kanyang “eldest son”

Ayon sa NBI, isang negosyante ang unang nagsampa ng reklamo matapos mapansin ang ilang kahina-hinalang transaksyon na may kaugnayan sa suspek.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ng complainant na umorder ang babae ng kabuuang P33,000 na halaga ng pagkain at imported na alak mula sa kanilang restaurant at ipinakita ang isang screenshot na kunwari ay bayad na iyon.

“Umorder siya ng imported na alak,” sabi ni Agent Terrence Agustin, Executive Officer ng NBI Batangas.
Idinugtong niya, “Nagtaka siya dahil puwede namang umorder sa grocery, bakit sa restaurant pa?”

Nang suriin ng may-ari ng restaurant ang transaction records, natuklasang walang naganap na aktwal na bayad. Ipinaliwanag ni Agustin na nakadepende sa makabagong teknolohiya ang modus.

Sinabi niya, “Gumagamit sila ng technology gaya ng AI or Artificial Intelligence to make the receipts look more convincing.”
Sa isa pang pahayag, sinabi niyang “Gumagamit sila ng e-platform. So gumagamit sila ng screenshot ng receipt of payment na sa totoo wala palang ganoon. Fake.”

Nadiskubre rin na may diskarte ang suspek sa oras ng pag-oorder upang hindi mahalata.

Read also

Kim Chiu, napangiti sa reaksyon ng fan nang mabanggit ang dati niyang karelasyon

“Umo-order sila usually at peak hours para hindi halata,” sabi ni Agustin.

Dagdag pa niya, madalas itong ginagawa tuwing weekend kung kailan maraming tao.

Kasalukuyang nakakulong ang babae sa Batangas City at nahaharap sa kasong estafa at paglabag sa Cybercrime Prevention Act. Ayon sa mga awtoridad, wala pa siyang inilalabas na pahayag tungkol sa alegasyon.

Sa isang naunang balita ng KAMI, tumindig ang galit ng publiko matapos mapatay ang isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro sa loob mismo ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakita sa CCTV ang tatlong armado na pumasok sa puwesto, ibinaba ang roll-up door, at walang habas na pinagbabaril ang mag-anak. Bago sila tumakas, dinampot pa ng isa sa mga salarin ang bag at cellphone ng isa sa mga biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV5 program na “Frontline Pilipinas,” nagsimula raw makatanggap ng banta ang pamilya matapos nilang ipautang ang P1 milyon sa isang taga-barangay na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

Sotto issues statement confirming Senate documents unaffected by Sunday morning fire

Samantala, sa isa pang malawakang pinag-usapang insidente, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang ilang beses na sinaksak ng kanyang asawa. Base sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” nangyari ang krimen sa mismong faculty room ng paaralan. Pahayag ng pulisya, may guwardiya naman ang paaralan ngunit nakapasok pa rin ang suspek dahil kilala ito sa lugar. Ayon sa lalaki, nagtungo siya sa paaralan para raw makipag-usap sa kanyang asawa at ayusin ang kanilang problema, pero nauwi sa matinding pagtatalo at karahasan ang kanilang pag-uusap.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Josh Medina avatar

Josh Medina (Editor)