Isang mananaya ng LOTTO, solong-solo ang P155-M jackpot

Isang mananaya ng LOTTO, solong-solo ang P155-M jackpot

  • Isang mananaya ang naka-jackpot ng mahigit P155 milyon sa Ultra Lotto 6/58
  • Lumabas ang swerteng kombinasyon na nagdala sa kanya ng panalo na 26-08-20-03-58-28
  • Samantala, walang nakakuha ng premyo sa Superlotto 6/49 draw sa parehong araw
  • Isa pang mananaya ang nasolo ang mahigit P84 milyon sa Megalotto 6/45 noong isang linggo

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

GMA News/Balitambayan
GMA News/Balitambayan
Source: Original

Isang masuwerteng mananaya ang nag-uwi ng P155.23 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong November 30, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Lumabas ang winning combination na 26-08-20-03-58-28 at nagdala ito ng kabuuang premyong P155,223,593.80.

Kasabay nito, walang nakakuha ng jackpot sa Superlotto 6/49 draw na may premyong P27,769,526.40.

Lumabas ang mga numerong 06-32-03-21-10-07 pero walang tumama rito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Noong nakaraang linggo, isa pang mananaya ang nanalo sa Megalotto 6/45 at nasolo ang mahigit P84 milyon jackpot prize.

Naghatid ng panalo ang kombinasyon na 29-22-25-37-41-34 sa draw noong November 26, 2025. Ayon sa PCSO, umabot sa P84,182,510.00 ang kabuuang premyo.

Read also

Aiko Melendez, umalma sa P500 Noche Buena: “Saan po makakabili niyan?”

Patuloy na umaasa ang mga mananaya na baka sila naman ang susunod na suwertihin sa mga susunod na draw habang patuloy na tumataas ang ilang jackpot prizes.

Ang LOTTO sa Pilipinas ay isang laro ng tsansa na pinapatakbo ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO. Bumibili ang mga tao ng ticket at pumipili ng set ng numero. Kapag nagtugma ang mga numero nila sa winning combination sa draw, maaari silang manalo ng malaking premyo.

May iba’t ibang uri ng lotto games gaya ng Ultra Lotto 6/58, Grand Lotto 6/55, Super Lotto 6/49, Mega Lotto 6/45, at Lotto 6/42. Bawat isa ay may sariling jackpot prize na umaakyat habang walang nananalo.

Ginagamit ng PCSO ang pondo mula sa lotto para sa charity programs, medical help, at iba pang serbisyo para sa publiko.

Basahin ang artikulo na nilathala ng 'BalitamBayan' dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

LTO ipinagpaliban muna ang impounding ng e-bikes at e-trikes, mag-iinformation drive muna

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: