Babae na nagpakalat ng malalaswang video ng mister at ng isa pang babae, naaresto
- Hinuli ang 32-anyos na suspek na matagal nang kabilang sa top 10 most wanted ng Marikina Police
- Galit at selos umano ang nagtulak sa kanya na ikalat ang mga nakuhang “malalaswang video at litrato”
- Na-trace ang kinaroroonan ng babae matapos makatanggap ng tip tungkol sa pagdalo niya sa isang okasyon
- Nahaharap siya sa kasong paglabag sa Safe Spaces Act kaugnay ng Cybercrime Prevention Act, may piyansang P210,00
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Arestado ang isang 32-anyos na babae na pinaghahanap ng Marikina City Police Station matapos umanong ikalat online ang “malalaswang video at litrato” ng kanyang asawa at ng sinasabing karelasyon nito.

Source: UGC
Naaresto siya noong Linggo, November 16, 2025, sa isang operasyon ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO).
Ayon kay Police Colonel Jenny Tecson, officer-in-charge ng Marikina City Police Station, nagsimula ang problema noong Enero 2021 nang magsimulang magduda ang babae sa kanyang asawa.
Nakita raw nito sa cellphone ng mister ang mga video at larawan kasama ang isa pang babae, na nagpatibay sa kanyang hinala.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil umano sa sobrang emosyon, agad niya itong ipinakalat sa social media.
“Pag share niya ng mga photos and video na nakuha niya mismo, kinopya niya mismo sa cellphone ng kanyang asawa. Shinare niya sa social media platforms, binigay niya sa mismong relative o parents nung biktima,” paliwanag ni Tecson.
Matagal na hindi mahanap ang suspek ngunit natunton siya sa Scout Lozano Street, Barangay Laging Handa, Quezon City matapos may magsumbong na dadalo siya sa isang okasyon.
“Hindi natin siya nalo-locate pero nitong November 16 po finally na-locate siya… sa harap ng isang cafe,” ayon sa Marikina PNP.
Sumama naman siya nang maayos sa mga awtoridad.
“Very cooperative naman ‘yung babae… Sabi niya mahirap ‘yung walang peace of mind… ang pagsisisi ay laging nasa huli,” dagdag ni Tecson.
May dalawa silang anak ng kanyang mister, at sinabing maayos na umano ang kanilang pagsasama ngayon.
Pinayuhan din ng pulisya ang publiko na maging maingat sa pag-share ng anumang impormasyon online.
Nasa kustodiya na siya ng Marikina Police at nahaharap sa kasong paglabag sa Safe Spaces Act kaugnay ng Cybercrime Prevention Act, na may rekomendadong piyansang P210,000.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


