DSWD, paiimbestigahan ang umano'y pagkuha ng barangay officials ng malaking porsyento ng cash aid
- Marami ang umalma pagkatapos magreklamo ng ilang residente ng Barangay Quintin Salas said P2,000 lang ang naiuwing ayuda mula sa P10,000 na dapat ay buo nilang matanggap
- Ipinag-utos ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang agarang imbestigasyon, galit sa ulat na barangay officials umano ang kumaltas ng P8,000
- Benepisyaryo at ilang testigo nagkuwento ng panghihikayat umano na “manahimik na lang,” dahilan para matakot silang magsalita
- DSWD handang magsampa ng kaso at pinag-aaralan ang paglipat ng pamimigay ng ayuda sa e-wallet para mas maging ligtas at transparent
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Iniutos ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang isang masusing imbestigasyon matapos umalingawngaw ang reklamo ng mga residente ng Barangay Quintin Salas sa Jaro, Iloilo City na P2,000 lang umano ang natanggap nilang ayuda mula sa dapat na P10,000.

Source: UGC
Ayon sa kanila, kinuhanan daw ng mga opisyal ng barangay ang P8,000 bago sila nakalabas ng payout area.
Sa panayam ng Super Radyo dzBB, sinabi ni Assistant Secretary Irene Dumlao na lubhang ikinagalit ni Gatchalian ang ulat at agad niyang inatasan ang field office na alamin ang buong pangyayari.

Read also
12-anyos na lalaki, halos maubos ang digestive system dahil sa mga kapalpakan sa kanyang operasyon
Binilin niya na walang sinumang opisyal ang may karapatang bawasan ang P10,000 na tulong para sa kwalipikadong benepisyaryo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon sa ilang residente na tumangging magpakilala, may mga tauhan umano ng kapitan na nagbabantay sa exit at inaasahang mag-iiwan ng P8,000 sa isang hiwalay na silid.
“Pagdating sa exit, may nakabantay doon… doon iwanan ang eight thousand,” ani Alyas "Inday," na nagsabing marami ang natakot magsalita dahil baka “pag-initan” sila.
Kwento pa niya, bago pa man ang payout noong November 11, 2025, sinabi na raw sa kanila na P2,000 lang ang mapupunta sa bawat beneficiary.
Isa pang residente, si Rey Lumbayan, naglabas ng sama ng loob.
“Mahirap ang tao, dapat tulungan. Hindi yung kukunin pa yung hindi naman para sa kanila.”
Ayon sa DSWD Region 6, ang payout ay bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) upang matulungan ang mga nasa vulnerable sectors.
Hinikayat nilang magsampa ng pormal na reklamo ang sinuman na may ebidensya.
Sinubukan ng GMA Regional TV One Western Visayas na kunin ang panig ng kapitan ngunit hindi siya sumasagot sa tawag at hindi rin nakita sa kanyang bahay.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

