Lovella Maguad, may nakakita sa pumaslang sa mga anak: "not as an inmate, but as a receptionist"

Lovella Maguad, may nakakita sa pumaslang sa mga anak: "not as an inmate, but as a receptionist"

  • Muling nagbahagi ng saloobin si Lovella Maguad, ang ina ng Maguad siblings na walang-awang pinaslang sa kanilang tahanan
  • Sa kanyang pinakabagong post, sinabi ni Lovella na may nakakita umano sa mga pumaslang sa kanyang mga anak
  • Laking gulat umano ng mga nakakita dahil tila hindi umano isang 'inmate' ang trato sa mga ito
  • Nakasuot pa 'di umano ang mga ito ng puting t-shirt na may katagang COP na ang ibig sabihin ay Clean and Orderly Personnel

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling sumiklab ang emosyon at hinaing ng publiko matapos ang viral post ni Lovella Maguad, ina ng pinaslang na Maguad siblings, na sina Gwynn at Boyboy, kung saan muling binuksan niya ang usapin ng hustisya para sa kanyang mga anak na brutal na pinaslang noong 2021.

Lovella Maguad, may nakakita sa pumaslang sa mga anak: "not as an inmate, but as a receptionist"
Lovella Orbe Maguad
Source: Facebook

Sa isang mahaba at emosyonal na Facebook post, ibinahagi ni Lovella na nagsimula siyang muling pag-aralan ang kaso ng kanyang mga anak matapos makatanggap ng nakakagulat na impormasyon mula sa isang malapit na kaibigan ng kanyang asawa.

Read also

Dionela, nagdesisyong i-donate ang kikitain sa kanyang first major concert

Ayon sa kaibigan, nakita umano nito si Janice — ang ampon ng pamilya na sinasabing isa sa mga sangkot sa pagpatay — sa loob ng Davao Penal Colony, hindi bilang isang preso, kundi bilang isang receptionist na tumanggap sa mga bisita.

"He told us that he was completely surprised when he unexpectedly saw JANICE there — NOT AS AN INMATE, but as the receptionist who welcomed and assisted them during their visit. She was even wearing a white polo shirt with “COP” printed on the sleeves, which, as she explained, stands for Clean and Orderly Personnel."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa kanya, nakasuot umano si Janice ng uniform na may tatak na “COP,” na umano’y nangangahulugang Clean and Orderly Personnel, ngunit iginiit ni Lovella na tila ito ay hindi akma sa kanyang kalagayan bilang isang dapat ay nakakulong.

Hindi lamang si Janice ang kanyang binanggit. Ayon pa kay Lovella, nakarating din sa kanila ang impormasyon na si Esmeraldo, isa pa sa mga sangkot sa kaso, ay inilagay lamang sa minimum security area imbes na sa maximum, at mayroon pa umanong mga social worker na regular na bumibisita rito dahil siya ay sumasailalim sa gamutan.

Read also

Bela Padilla, umalma sa pahayag ni Rep. Mark Cojuangco tungkol sa baha at tirahan

"Earlier, we also received information that some inmates were questioning why Esmeraldo was placed in the minimum area instead of the maximum. Both Janice and Esmeraldo, according to reports, have been given significant roles within the facility, which further raises questions about their current treatment and status.

Ipinahayag din ni Lovella ang kanyang pagkadismaya sa sistemang tila mas binibigyang-pansin pa ang mga kriminal kaysa sa mga biktima.

Tinuligsa rin niya ang kawalan ng sapat na suporta para sa mga batang biktima ng pang-aabuso na nananatili sa mga government facility.

Sa dulo ng kanyang post, emosyonal na ipinaabot ni Lovella ang kanyang pagod at pangungulila sa patuloy na kawalan ng hustisya para sa kanyang mga anak.

Noong Disyembre 10, 2021, natagpuang wala nang buhay ang magkapatid na Crizzlle Gwynn (18) at Crizvlle Louis “Boyboy” (16) Maguad sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bagontapay, M’lang, North Cotabato. Parehong nagtamo ng matinding mga sugat ang dalawa — si Gwynn ay may halos tatlumpung saksak, habang si Boyboy ay natagpuang nakagapos at may benda sa bibig. Ang tanging nakaligtas noon ay si "Janice" isang 16-anyos na ampon ng pamilya, na kalaunan ay umamin sa krimen kasama ang isa pang menor de edad na umano’y kasabwat. Ayon sa imbestigasyon, selos at galit umano ang nagtulak kay Janice sa karumal-dumal na pagpatay sa mga kapatid na itinuring siyang tunay na kapamilya.

Read also

Bea Borres, naglabas ng saloobin sa kritisismo matapos ang P300K shopping vlog

Bagaman idineklarang “case solved” ang insidente matapos ang pag-amin ng mga suspek, nananatiling bukas ang isyu ng hustisya dahil parehong minor de edad ang mga sangkot. Dahil dito, sila ay sumasailalim lamang sa rehabilitasyon sa halip na regular na pagkakakulong, alinsunod sa Juvenile Justice and Welfare Act. Nitong mga nakaraang buwan, muling binuhay ng ina ng mga biktima na si Lovella Maguad ang panawagan para sa hustisya matapos niyang malaman ang umano’y “maginhawang trato” sa mga akusado sa loob ng kulungan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica