Bagyong Tino, nag-iwan ng matinding pinsala at pagbaha sa Cebu

Bagyong Tino, nag-iwan ng matinding pinsala at pagbaha sa Cebu

  • Matinding baha at malakas na hangin ang idinulot ng Bagyong Tino sa Cebu
  • Baha umabot hanggang ikalawang palapag sa ilang subdivision sa Cebu, Mandaue at Talisay
  • 17 ang nasawi sa Cebu City at 3 sa Danao ayon sa lokal na pamahalaan
  • Mahigit 33,000 pamilya ang inilikas sa mga evacuation centers sa lalawigan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Matinding pinsala ang iniwan ng Bagyong Tino sa Cebu matapos itong mag-landfall sa bayan ng Borbon nitong Martes ng madaling-araw, Nobyembre 4, 2025. Sa lakas ng ulan at hangin, lumubog sa baha ang maraming kabahayan habang libo-libong pamilya ang napilitang lumikas.

Bagyong Tino, nag-iwan ng matinding pinsala at pagbaha sa Cebu
Bagyong Tino, nag-iwan ng matinding pinsala at pagbaha sa Cebu (đź“·Alan Domingo, GMA Regional TV Balitang Bisdak)
Source: Facebook

Unang tumama ang bagyo sa Silago, Leyte bandang hatinggabi bago tumawid patungong Cebu alas-5:10 ng umaga, at tumuloy sa Sagay City, Negros Occidental at San Lorenzo, Guimaras bandang tanghali. Ngunit ang pinakamatinding pinsala ay naitala sa gitnang bahagi ng Cebu, kung saan naroon ang mga lungsod ng Cebu, Mandaue, at Talisay.

Sa mga subdivision sa mga naturang lungsod, umabot hanggang ikalawang palapag ang baha. Maraming residente ang kinailangang i-rescue mula sa kanilang mga bahay. Sa Villa del Rio 1 sa Cebu City, makikita sa isang video na ibinahagi ng mga residente ang pag-agos ng tubig na halos itulak ang mga sasakyan palayo.

Read also

Ina, pumanaw matapos subukang iligtas ang anak sa tumaob na bangka

“Hingkalit ingon ani ang tubig, wala mi magdahom moabot ang tubig og ingon ani,” ani ni Junjun Declaros, isa sa mga residente.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa mga residente, hindi nila inasahang ganito kalala ang baha dahil kahit noong pananalasa ni Supertyphoon Odette noong 2021, hindi nila naranasan ang ganitong antas ng pagbaha.

Tinatayang 300 bahay ang naapektuhan sa Cebu City, habang sa Umapad, Mandaue City, may video rin ng mga sasakyang halos tuluyang lumubog sa tubig. Sa Barangay Jubay, Liloan, ilang residente ang napilitang umakyat sa bubong ng kanilang mga bahay upang makaiwas sa rumaragasang tubig, ayon sa Philippine Red Cross.

Batay sa datos ng Provincial Department of Interior and Local Government (DILG), 17 katao ang nasawi sa Cebu City, habang tatlo naman ang naiulat na patay sa Danao City. Samantala, mahigit 33,661 pamilya o 105,588 indibidwal ang inilikas sa iba’t ibang evacuation centers sa probinsya.

Ayon sa Cebu Provincial Government, patuloy pa rin ang clearing at relief operations. Tiniyak din ng mga opisyal na mabibigyan ng ayuda ang mga apektadong pamilya.Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Nobyembre 3, umabot sa 75,591 katao ang inilikas mula sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, at CARAGA.

Read also

Barangay tanod sa Bohol, nasawi matapos mabagsakan ng niyog sa kasagsagan ng bagyong “Tino”

Nasa 362 evacuation centers ang kasalukuyang tumutugon sa mga evacuees. Samantala, suspendido rin ang klase sa 459 lungsod at munisipalidad, habang 311 lokalidad ang nagdeklara ng work suspension dahil sa epekto ng bagyo.

Aabot sa 108 seaports ang pansamantalang tumigil sa operasyon at kinansela ang biyahe ng ilang barko dahil sa malalakas na alon. Kasalukuyan namang naka-deploy ang 421 personnel at 27 land assets mula sa AFP, BFP, PCG, at PNP para sa mga rescue at relief efforts.

Ang Cebu ay isa sa mga sentro ng komersyo at turismo sa bansa. Sa mga nakaraang taon, ilang beses na rin itong tinamaan ng malalakas na bagyo. Ang huling malaking pinsala bago si Tino ay dulot ng Supertyphoon Odette noong 2021, na nagdulot ng matinding pinsala sa imprastraktura at kabuhayan.

Heavy rains turn Bacolod reclamation area into a sea, stranding motorists Matinding pag-ulan sa Bacolod City ang nagdulot ng pagbaha sa reclamation area, dahilan upang ma-stranded ang maraming motorista. Ayon sa mga awtoridad, ilang oras bago bumaba ang tubig at makaalis ang mga sasakyan.

Bacolod modern jeep driver goes viral for carrying passengers through floodwaters Isang modern jeepney driver sa Bacolod City ang umani ng papuri matapos buhatin ang kanyang mga pasahero sa gitna ng baha. Ang insidente ay kuha ng video at mabilis na kumalat online, kung saan maraming netizens ang pumuri sa kabayanihan ng drayber.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: