Pekeng pastor, huli na nagta-traffic ng 3 pinoy para magtrabaho sa iligal na scam hubs sa Cambodia

Pekeng pastor, huli na nagta-traffic ng 3 pinoy para magtrabaho sa iligal na scam hubs sa Cambodia

  • Isang pekeng pastor ang naharang ng Bureau of Immigration sa Clark International Airport
  • Tatlong Pinoy ang muntik nang mailabas ng bansa para magtrabaho sa scam hub sa Cambodia
  • Nagpanggap umano ang lalaki bilang pastor at gumamit ng pekeng church endorsement letter
  • Nasa kustodiya na ngayon ng Inter-Agency Council Against Tr*fficking ang suspek at tatlong biktima
Kindel Media on Pexels
Kindel Media on Pexels
Source: Original

Nahuli ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport ang isang lalaking nagpanggap na pastor matapos tangkaing magpalabas ng tatlong Pilipino para magtrabaho sa mga scam hub sa Cambodia.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, ipinakilala ng suspek ang sarili bilang Pastor Falcon.

Kasama niya sa Cebu Pacific flight patungong Bangkok, Thailand ang tatlong lalaki na umano’y mga miyembro ng kanyang simbahan.

Ipinakita pa raw ng lalaki ang isang endorsement letter mula sa kanilang “congregation,” na nagsasabing aktibo ang tatlo sa paglilingkod at pagbabahagi ng pagmamahal ni Kristo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ngunit nang kausapin nang hiwalay ng mga opisyal ng BI ang tatlo, iba-iba ang naging sagot nila tungkol sa dahilan ng biyahe at kung paano sila magkakilala.

Read also

Coco Martin, ibinahagi kung paano umiwas sa tukso sa showbiz

Kalaunan, umamin silang pupunta talaga sa Cambodia para magtrabaho sa isang call center bilang mga ahente at isang cook.

Ayon sa kanila, inalok sila ng suweldo hanggang ₱50,000 kada buwan. Lumapit daw sila kay “Pastor Falcon” matapos nitong ipagyabang na marami na siyang natulungang makalabas ng bansa.

Lumabas sa imbestigasyon na may nauna nang nakasama ang pekeng pastor sa pagbiyahe, na hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi sa Pilipinas.

Kinondena ni Viado ang paggamit ng relihiyosong gawain bilang takip sa human traffick*ng. Sinabi niyang dapat managot ang suspek sa paggamit ng simbahan para linlangin ang mga kababayan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Inter-Agency Council Against Traffick*ng ang pekeng pastor at tatlong biktima para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.

Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

16-anyos na mangangalakal, sinaksak ng estudyante matapos magkaalitan hatinggabi

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: