Reaksyon ng mga hosts sa kakaibang stage entrance ng isang contestant, na-hulicam

Reaksyon ng mga hosts sa kakaibang stage entrance ng isang contestant, na-hulicam

  • Isang video ng dalawang host na tumatakbo palayo sa stage ay nag-viral online
  • Ang nakakaaliw na pangyayari ay naganap sa isang pageant na may temang Halloween
  • Ang genuine at mabilis na reaksyon ng mga host ay nagdulot ng hagalpakan ng tawa sa mga manonood
  • Ikinumpara naman ng mga netizen ang eksena sa "literal na stage fright"

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagdulot ng hagalpakan ang isang viral video mula kay Imee Rayo na ipinost sa Facebook at kalaunan ay ibinahagi sa Instagram ng page na @kabulastugan, kung saan makikita ang dalawang host na tumakbo palayo sa stage matapos silang gulatin ng kanilang susunod na candidate.

Reaksyon ng mga hosts sa kakaibang stage entrance ng isang contestant, na-hulicam
Photos: Imee Rayo via @kabulastugan on Instagram
Source: Instagram

​Ang video, na tila kuha sa isang pageant o competition na may temang Halloween, ay nagpakita ng masiglang pagpapakilala sa susunod na kalahok. Ngunit nang dumating ang candidate na nakasuot ng nakakatakot na costume, ang inaasahang grand entrance ay nauwi sa grand exit ng mga host.

​Sa clip, makikita ang dalawang host na nakangiti habang ini-introduce ang nest na candidate sa publiko. Ngunit nang pumasok ang contestant na tila nakasuot ng makabangis na costume o may nakakagulat na gimmick, nagulat at nataranta ang mga host.

Read also

KC Concepcion, ibinahagi ang pagiging handa sa bagong yugto ng buhay

​Ang mabilis na pagtakbo ng mga host mula sa stage ay naging highlight ng video, na nagpatawa sa maraming netizens dahil sa genuine na reaksyon ng mga ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

​Hindi naman nagpahuli ang mga netizens sa pagkokomento, na nagbigay-diin sa nakakatuwang kaba at takot na ipinakita ng mga host. ​Ilan sa mga viral na komento ay ang mga sumusunod:

​"Literal na stage fright."
Napatakbo silang dalawa eh HAHAHAHA!
​"HAHAHAHA The real Scream Queen!"
​"Uwi na, pack up na, may nanalo na."
​"Naramdaman ko yung kaba nila."
​"Siguro naman nanalo yang candidate na yan HAHAHAHA."

​Ang video ay isang perpektong halimbawa kung paanong ang mga hindi inaasahang live moments ay nagiging viral content, na nagdudulot ng aliw sa libu-libong social media users.

Panoorin ang video sa ibaba:

Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.

Read also

Batang pulubi, nasawi matapos masagasaan ng SUV sa España, Manila

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay isang simpleng utos ang talaga namang nauwi sa halakhakan sa social media. Nag-post kasi ang isang user na si @rovs_who ng pangyayari sa kanilang bahay. Tila inutusan ng kanilang mama ang kanyang kapatid na kumuha ng malunggay. Ngunit, ang dinala ng kanyang kapatid sa bahay ay talaga namang ikinawindang ng lahat.

Samantalang noong July ay naglabas ng show cause order ang Land Transportation Office o LTO laban sa mga driver at may-ari ng anim na sports car na tila sangkot sa isang viral na video sa social media. Ang nasabing video na kumakalat ay iniulat na nagpapakita ng karerahan o racing ng mga naturang anim na sasakyan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco