16-anyos na mangangalakal, sinaksak ng estudyante matapos magkaalitan hatinggabi

16-anyos na mangangalakal, sinaksak ng estudyante matapos magkaalitan hatinggabi

  • Isang 16 anyos na mangangalakal ang dinala sa ospital matapos saksakin ng 18 anyos na estudyante sa Tondo, Maynila
  • Isang residente sa lugar ang nagbahagi sa TikTok na bigla ang pag-atake habang naglalakad pauwi ang biktima kasama ang kanyang ina
  • Ayon sa pulisya, matagal nang may alitan ang dalawa bago mauwi sa mainit na pagtatalo
  • Nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa magulang ng suspek, na maaaring isuko siya; kung hindi, kakasuhan siya ng frustrated h&micide

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang menor de edad na mangangalakal matapos umano itong saksakin ng isang 18 anyos na estudyante sa Aroma Compound, Barangay 105 sa Tondo, Maynila noong gabi ng Oktubre 30, 2025.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Batay sa ulat ng Manila Police District Police Station 1 – Raxabago, nakilala ang biktima sa pangalang “Pasc” at kasama niya ang kanyang ina nang harapin umano siya ng suspek na kilala sa alyas na “Jumong.” Pareho umano silang residente ng nasabing lugar.

Read also

Lalaki, patay matapos paluin ng pala at kahoy ng sariling anak

Kwento ng ina ng biktima, naglalakad sila pauwi nang biglang sumulpot ang suspek at nakipag-argumento sa kanyang anak.

Sa kalagitnaan ng pagtatalo, bigla raw naglabas ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang 16 anyos bago tumakas.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad dinala sa Tondo Medical Center ang biktima matapos humingi ng tulong ang ina.

Patuloy pa rin siyang inoobserbahan habang sinusulat ang ulat na ito.

Ayon kay Police Major Philipp Ines, tagapagsalita ng MPD, nagpapatuloy ang operasyon upang mahanap ang suspek.

May impormasyon umano na posibleng isuko ng pamilya ang binata sa mga awtoridad.

“Kung hindi ito matutuloy, isasampa pa rin ang kaukulang kaso batay sa krimeng ginawa — frustrated h&micide,” pahayag ni Ines.

Iniimbestigahan din kung may dating alitan ang naging dahilan ng insidente.

“Base sa ulat, matagal nang may alitan ang dalawa, at nang magkita sila, nauwi ito sa mainitang pagtatalo at pananaksak,” dagdag pa niya.

Patuloy na nag-iimbestiga ang pulisya habang umaasa ang komunidad na agad maare.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Bangkay ng 15-anyos na anim na buwang nawawala, natagpuan sa abandonadong bahay sa Davao de Oro

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)