Ninong Ry, biktima ng fake sugal ad: “Hindi po ako nagpopromote ng sugal!”
- Ninong Ry itinanggi ang pagkakasangkot sa isang online sugal post sa TikTok
- Imahe at boses niya ginamit umano ng AI upang magmukhang lehitimong endorsement
- Nilinaw ng content creator na hindi siya kailanman nagpopromote ng anumang uri ng sugal
- Mga netizens nagpaabot ng suporta at panawagang i-report ang nasabing sugal site
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ibinahagi ni Ninong Ry, ang kilalang chef at content creator na tinaguriang “Ninong ng Bayan,” ang kanyang pagkadismaya matapos gamitin ang kanyang mukha at boses sa isang pekeng online sugal advertisement.

Source: Facebook
Sa kanyang Facebook post kamakailan, ipinakita ni Ninong Ry ang screenshot ng isang TikTok video kung saan ginamit ang kanyang larawan at AI-generated voice upang palabasing iniendorso niya ang isang sugal site. Ayon sa kanya, wala siyang anumang kaugnayan o pahintulot na ibinigay sa naturang brand.
Nagamit ang mukha at nilatagan ng generated na boses para mag-promote ng sugal jusko hindi po ako nagpopromote ng kahit anong ganto. Laban naman ng patas mga ser. Wag naman ganto. Ingat po tayo. Maging mapanuri. Hindi lang ako ang ginaganto. Marami pa kaya mas maging maingat tayo please, ani ng content creator.
Kilalang isa sa mga pinakapinagkakatiwalaang personalidad sa social media, si Ninong Ry ay may milyon-milyong tagasubaybay sa iba’t ibang platform. Dahil sa kanyang pagiging relatable, witty, at marunong sa kusina, marami nang brands—lalo na sa food industry—ang kumuha sa kanya bilang endorser.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil dito, umani ng atensyon ang naturang post mula sa mga netizens na agad ipinagtanggol ang kanilang “Ninong.” Marami ang nanawagan na i-report ang sugal site, habang ang iba naman ay nagpahayag ng pagkadismaya sa maling paggamit ng Artificial Intelligence para sa ganitong panlilinlang.
Ang ilang tagasunod ni Ninong ay nagkomento ng “Scammers talaga, ginagamit pa mukha mo Ninong!” habang ang iba ay nagpayo sa kanya na magsampa ng reklamo upang matigil ang ganitong uri ng panloloko.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ang imahe ng mga kilalang personalidad para sa pekeng promosyon. Sa panahon ng AI at digital manipulation, mas dumadami ang ganitong uri ng scam kung saan ginagamit ang mga boses at mukha ng sikat na tao para sa panlilinlang.
Sa kabila ng insidenteng ito, nananatiling positibo si Ninong Ry at ginamit ang pagkakataon upang paalalahanan ang publiko na maging mapanuri sa mga nakikita online. Ipinaalala rin niyang maging responsable sa pag-share ng mga ads at videos upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon.
Si Ryan Morales Reyes, o mas kilala bilang Ninong Ry, ay isang chef, vlogger, at content creator na sumikat dahil sa kanyang mga nakakaaliw na cooking videos na may halong katatawanan at “totoong luto ng Pinoy.” Nagsimula siya bilang food content creator noong panahon ng pandemya at mabilis na nakilala dahil sa kanyang “kalma pero nakakatawang” personality.
Bukod sa pagba-vlog, madalas ding makipag-collaborate si Ninong Ry sa mga kilalang brands sa larangan ng pagkain at lifestyle. Gayunman, kilala siya sa pagiging mapili pagdating sa endorsements, kaya’t malinaw niyang pinabulaanan ang isyu ng sugal promotion.
Ninong Ry, lilisanin na ang kanyang kitchen studio bunsod ng paulit-ulit na pagbaha Sa isang nakaraang post, emosyonal na ibinahagi ni Ninong Ry ang kanyang desisyong lisanin ang kanyang kitchen studio matapos ang sunud-sunod na pagbaha. Ayon sa kanya, napamahal na sa kanya ang lugar ngunit kailangan niyang unahin ang kaligtasan at tuloy ang paggawa ng content sa bagong lokasyon.
Ninong Ry, emosyonal sa paulit-ulit na baha: “Hindi deserve ng Pilipino ang ganito” Sa isa pang ulat, naglabas ng saloobin si Ninong Ry ukol sa kanyang pagkadismaya sa sitwasyon ng paulit-ulit na pagbaha sa kanilang lugar. Iginiit niyang marami ang naapektuhan, hindi lang siya, at nanawagan ng konkretong aksyon upang maiwasan ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

