Pamilya ni Mary Jane Veloso, nananawagan sa Korte Suprema na pabilisin ang pagresolba ng mga kaso

Pamilya ni Mary Jane Veloso, nananawagan sa Korte Suprema na pabilisin ang pagresolba ng mga kaso

  • Nanawagan ang mga magulang ni Mary Jane Veloso sa Korte Suprema na pabilisin ang pagresolba sa mga kaso laban sa umano’y nag-recruit sa kaniya
  • Nais nilang marinig na agad ang testimonya ni Mary Jane sa korte sa Nueva Ecija
  • Muling hiniling ng pamilya kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. na bigyan siya ng clemency
  • Mahigit 15 taon nang nakakulong si Mary Jane sa Indonesia dahil sa kasong may kinalaman sa droga

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

GMA News Online
GMA News Online
Source: Original

Nanawagan ang mga magulang ni Mary Jane Veloso sa Korte Suprema nitong Huwebes na pabilisin ang pagresolba sa mga kaso laban sa mga umano’y nag-recruit sa kaniya.

Ayon kay Celia Veloso, gusto na nilang mapakinggan sa lalong madaling panahon ang testimonya ng anak.

Sinabi niya na gusto na nilang maiuwi si Mary Jane matapos ang mahabang panahon ng pagdurusa.

Ayon sa National Union of People’s Lawyers o NUPL, naghain sila ng kahilingan sa Korte Suprema para mapabilis ang pag-usad ng mga kaso.

Read also

Sam Milby, humarap sa bagong pagsubok sa kalusugan: “It’s part of my life now”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Mary Jane ay nagsampa ng kaso laban kina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao dahil sa umano’y human trafficking, illegal recruitment, at estafa.

Bukod dito, muling hiniling ng mga magulang ni Mary Jane kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ng clemency ang kanilang anak.

Nananatili sa kulungan si Mary Jane sa Indonesia ng halos 15 taon matapos mahatulan sa kasong may kinalaman sa droga, ngunit patuloy niyang pinaninindigan ang kaniyang pagiging inosente.

Sinabi ni Celia na halos 16 taon nang nakakulong ang kaniyang anak at labis na itong nahirapan.

Umaasa siyang bago mag-Pasko ay maibalik na sa kanila si Mary Jane para makapiling muli ng pamilya, lalo na ng kaniyang mga anak.

Basahin ang artikulo na nilathala ng GMA News Online dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Marjorie, sinabing si Mommy Inday ang pumigil sa kanyang makipag-ayos kina Claudine at Gretchen

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: