Bangkay ng 15-anyos na anim na buwang nawawala, natagpuan sa abandonadong bahay sa Davao de Oro
- Halos kalansay na bangkay ng 15-anyos na si “Baby” natagpuan sa Laak, Davao de Oro
- Ang biktima ay anim na buwan nang nawawala matapos magpaalam na maki-WiFi sa kapitbahay
- Nakilala siya ng pamilya batay sa suot na damit bago siya nawala
- Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya na may hawak nang mga “persons of interest”
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang bangkay na halos kalansay na lamang ang natagpuan sa loob ng isang abandonadong bahay sa bayan ng Laak, Davao de Oro, nitong Lunes ng umaga.

Source: UGC
Kinilala ng pamilya ang biktima bilang si “Baby,” 15-anyos, na anim na buwan nang hinahanap mula nang mawala siya noong Abril.
Ayon sa ulat ng Davao de Oro police, isang grupo ng mga batang nangunguha ng prutas ang nakadiskubre sa bangkay sa loob ng bahay sa Purok 13, Barangay Poblacion.
Laking gulat nila nang madiskubre ang labi sa loob ng nasabing gusali, na agad nilang iniulat sa mga awtoridad.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Batay sa pahayag ng ina ng biktima, huli nilang nakita si “Baby” noong Abril 17 matapos itong magpaalam na maki-piso WiFi sa kapitbahay ngunit hindi na ito nakauwi.
Nakilala siya ng pamilya batay sa damit na suot nang huli siyang makita, habang hindi pa rin natatagpuan ang kanyang cellphone.
“Our Laak Municipal Police Station is looking for all the possibilities ng pagkakilanlan ng mga suspek at saka meron na rin pong persons of interest yung kapulisan natin,” ayon kay Police Captain Jussibelle Abellon, tagapagsalita ng Davao de Oro police.
Naniniwala ang mga imbestigador na pinaslang ang dalagita. Isasailalim sa autopsy ang bangkay upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay. Patuloy naman ang imbestigasyon upang kilalanin at madakip ang mga nasa likod ng karumal-dumal na krimen.
News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable to one's daily life. These stories are among those that people would be able to learn from every day, and apply them in their own lives. Crimes that happen to ordinary people are also those that many give attention to.
In other news, a 47-year-old woman was arrested in Quezon City on four separate warrants for Estafa (fraud) and violation of the Anti-Bouncing Check Law. Her alleged modus operandi involved purchasing millions of pesos worth of high-value goods, including jewelry and meat products, using worthless post-dated checks. One businessman claimed a loss of over P12 million, while another was allegedly swindled out of more than P17 million. The suspect is currently detained as authorities encourage other victims to file additional complaints to strengthen the case.
Still in other news, the Ombudsman directed the NBI and BFP to investigate the DPWH building fire in Quezon City. DPWH confirmed that no documents related to flood control anomaly investigations were affected. The fire reportedly started from a computer explosion inside the Bureau of Research and Standards. No employees were injured, and officials are assessing the extent of the damage.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

