Amang na-depressed dahil sa utang, hinostage at pinatay 5-anyos na anak

Amang na-depressed dahil sa utang, hinostage at pinatay 5-anyos na anak

  • Isang ama sa Dasmariñas, Cavite, ang nag-hostage sa dalawang anak at isang kapitbahay
  • Nasawi ang suspek at ang limang-taong-gulang niyang anak matapos ang tensyonadong operasyon
  • Ayon sa asawa, nakaranas umano ng depresyon ang lalaki dahil sa mga utang
  • Dinala sa ospital ang pitong-taong-gulang na anak at kapitbahay na nagtamo ng mga sugat

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Trahedya ang sinapit ng isang pamilya sa Dasmariñas, Cavite matapos maganap ang isang insidente ng pag-hostage na kinasangkutan ng isang amang umano’y dumaranas ng depresyon dahil sa problema sa utang.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Nasawi sa naturang pangyayari ang suspek at ang limang-taong-gulang nitong anak.

Ayon sa ulat ni Sandra Aguinaldo sa GMA News “24 Oras,” nangyari ang insidente sa isang apartment sa Barangay Sampaloc IV kung saan nangungupahan ang pamilya.

Armado ng patalim, binihag ng suspek ang dalawa niyang anak na edad lima at pito, pati na rin ang isang babaeng border sa lugar.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakita pa siya sa balkonahe habang hawak ang isa sa mga bata, ngunit bago iyon ay napatay na umano niya ang isa pa niyang anak.

Read also

‘Nadala ng galit’: grinder ginamit sa madugong pagtatalo ng magkaibigang babae sa Rizal

Sinikap ng barangay chairman na si Armando Movido na makipag-usap sa lalaki upang ito’y mapakalma.

“Nililibang ko siya kaya lang bigla siyang nawala sa vision ko. Nakarinig na lang ako ng kalabog… sira na yung pintuan,” ani Movido.

Nang marinig na ng mga awtoridad ang iyak ng mga biktima, napilitan silang pasukin ang apartment.

“Wala na talagang choice ang police, kami, kundi akyatin na siya,” dagdag pa niya.

Sa operasyon, napatay ang suspek habang nagtamo ng sugat ang pitong-taong-gulang na anak at ang babaeng hostage, na kapwa dinala sa ospital.

Ayon sa asawa, labis na ininda ng lalaki ang kanyang mga pagkakautang at halos hindi na kumakain bago mangyari ang insidente. Magkatabi ngayong pinaglalamayan ang mag-ama.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakakuha ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyong ibinibigay ng publiko. Ang mga ganitong viral na post ay karaniwang humahawak sa damdamin ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, nangyayari rin ito sa mga karaniwang tao, kaya nagiging madali silang makarelate sa pang-araw-araw na buhay. Ang mga kuwentong ito ay nagbibigay-aral sa mga tao at nagsisilbing inspirasyon na maaaring gamitin sa sariling karanasan. Kadalasan din, ang mga krimeng kinasasangkutan ng mga ordinaryong mamamayan ang labis na binibigyang pansin ng publiko.

Read also

8-anyos na bata patay matapos mabundol ng dump truck; 2 magpinsan nalunod sa ilog sa Quezon

Sa ibang balita, isang 47-anyos na babae ang inaresto sa Quezon City dahil sa apat na magkakahiwalay na warrant of arrest para sa kasong Estafa (panlilinlang) at paglabag sa Anti-Bouncing Check Law. Ayon sa mga ulat, ang modus ng suspek ay ang pagbili ng mga mamahaling produkto tulad ng alahas at karne na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso gamit ang mga tsekeng walang pondo. Isa sa mga negosyante ang nagsabing umabot sa mahigit ₱12 milyon ang kanyang nalugi, habang isa pa ay naloko umano ng higit ₱17 milyon. Kasalukuyang nakakulong ang suspek, at hinihikayat ng mga awtoridad ang iba pang biktima na magsampa ng reklamo upang mas mapalakas ang kaso.

Samantala, inatasan ng Ombudsman ang NBI at Bureau of Fire Protection (BFP) na imbestigahan ang sunog sa gusali ng DPWH sa Quezon City. Nilinaw ng DPWH na walang mga dokumentong may kinalaman sa imbestigasyon ng flood control anomalies ang nasunog. Ayon sa ulat, nagsimula ang apoy matapos sumabog ang isang computer sa Bureau of Research and Standards. Wala namang nasugatang empleyado, at kasalukuyang tinataya ng mga opisyal ang lawak ng pinsala.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)