133 estudyante at teacher mula Lucena, isinugod sa ospital sa Leyte dahil sa umano’y food poisoning

133 estudyante at teacher mula Lucena, isinugod sa ospital sa Leyte dahil sa umano’y food poisoning

  • 133 katao mula Lucena City ang isinugod sa ospital sa Leyte matapos umano’y tamaan ng food poisoning
  • Ang grupo ay bahagi ng educational tour na bumisita sa Kalanggaman Island, Palompon, Leyte
  • Ayon sa mga opisyal, ang pagkaing nabuwad sa araw at biyahe ng halos isang oras ang posibleng sanhi ng insidente
  • Lahat ng pasyente ay gumaling na at nakatakdang umuwi sa Lucena City matapos masagot ng LGU ang gastos sa ospital

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isinugod sa ospital sa Baybay City, Leyte ang hindi bababa sa 133 katao mula Lucena City, Quezon Province matapos umanong makaranas ng food poisoning habang nasa kanilang educational tour.

133 estudyante at teacher mula Lucena, isinugod sa ospital sa Leyte dahil sa umano’y food poisoning
133 estudyante at teacher mula Lucena, isinugod sa ospital sa Leyte dahil sa umano’y food poisoning (📷Pixabay)
Source: Facebook

Ang mga biktima ay kabilang sa 187 estudyante at teacher na bumisita sa Kalanggaman Island sa Palompon, Leyte. Ayon sa ulat, kumain sila ng tanghalian sa isla bago bumiyahe papuntang Baybay City noong Oktubre 22, 2025, kung kailan nagsimula ang kanilang pagkakasakit.

Read also

Melissa De Leon, nagpahayag ng pasasalamat kay Vice Ganda sa isyu ng korapsyon

Sa pahayag ni Baybay City Vice Mayor Ernesto Butawan, posibleng sanhi ng insidente ang pagkaing nabilad sa araw bago kainin. “Gathered from the teachers katong nagdala sa mga bata, ang information nila ang mga pagkaon nabuwad sa adlaw and then almost one hour ang biyahe from Palompon sa isla. So mao nay duda nga maoy nakahatag nila og problema,” paliwanag ng opisyal.

Naging maagap ang Baybay City Local Government Unit (LGU) sa pagtugon sa pangyayari. “Ang atong city government gabii pa lang gikuha na sila sa hotel gidala sa ospital. Maayo gani aduna tay kaugalingong hospital, wala ta mobiyahe og layo pa. Na-tratar man sila og sakto,” dagdag ni Butawan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dinala ang mga pasyente sa Immaculate Conception Hospital sa Baybay City kung saan agad silang binigyan ng lunas. Tatlong araw matapos ma-admit, discharged na silang lahat noong Oktubre 24, 2025 at nakatakdang bumalik sa Lucena City kinagabihan.

Read also

Batang babae sa Pampanga, kritikal matapos umanong gahasain at bugbugin ng 20-anyos na lalaki

Ayon kay Atty. Florante Cayunda Jr., City Administrator ng Baybay, sinagot ng lokal na pamahalaan ang lahat ng gastusin sa ospital. “Ma-shoulder ra man sa government tanan nilang bayrunon, so the students, teachers, the school, wala silay i-shell out nga kwarta pambayad sa hospital,” aniya.

Samantala, tumanggi ang mga teacher ng Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF) na magbigay ng panayam, ngunit naglabas ang unibersidad ng opisyal na pahayag na kumpirmadong stable na ang lahat ng estudyante at faculty.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang unibersidad sa Lucena City DRRMO at City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa kanilang kahandaang tumulong kung kinakailangan.

Samantala, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang LGUs ng Baybay at Palompon upang matukoy ang eksaktong sanhi ng insidente at kung sino ang dapat managot.

Ang food poisoning ay isang karaniwang kaso ng foodborne illness na nagmumula sa pagkain o inuming kontaminado ng bacteria, toxins, o virus. Ayon sa Department of Health, ang mga karaniwang sanhi nito ay ang maling pag-iimbak ng pagkain, hindi sapat na pagluluto, at pagbilad ng pagkain sa init ng araw. Sa mga mass gatherings at biyahe, madalas itong nangyayari kapag hindi agad nakokonsumo ang pagkain.

Read also

Lalaki, binaril matapos kantahin ang awiting ikinagalit ng suspek sa Isabela

Kamakailan, iniulat ng Kami.com.ph ang pagkakadiskubre ng mga awtoridad ng P3.5 milyong halaga ng recycled cooking oil na umano’y galing sa mga food chain at ibinebenta ulit sa merkado. Ayon sa ulat, ito ay maaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mamamayan.

Sa isa pang insidente, 21 Grade 3 students ang isinugod sa ospital matapos umanong tamaan ng food poisoning matapos kumain sa isang school feeding program. Ayon sa Kami.com.ph, isinailalim sa pagsusuri ang pagkain at ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ang imbestigasyon.

Ang dalawang kasong ito ay nagpapatunay na mahalagang tiyakin ang tamang paghahanda at pag-iimbak ng pagkain, lalo na kapag ito’y ihahain sa malalaking grupo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate