Babae natagpuang patay at nakagapos sa hotel sa Maynila; kasama sa check-in, pinaghahanap
- Isang babae ang natagpuang walang buhay at nakagapos ang mga kamay sa loob ng hotel sa Santa Mesa, Maynila
- Nakunan sa CCTV ang isang babaeng kasama ng biktima na tumatakbong palabas ng lugar matapos ang insidente
- Ayon sa mga opisyal ng barangay, kapansin-pansin ang kakulangan ng seguridad sa naturang hotel
- Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya habang pinaghahanap ang babaeng kasama ng biktima
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Natagpuang wala nang buhay at nakagapos pa ang mga kamay ng isang babae sa loob ng kuwarto ng isang hotel sa Santa Mesa, Maynila nitong Huwebes ng umaga.

Source: UGC
Ang babaeng kasama niyang nag-check-in sa gabi bago ang insidente ay kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Sa ulat ni Jhomer Apresto sa "24 Oras Weekend," sinabi ng Barangay 587 na sa backtracking ng pulisya, lumabas na isang lalaki at isang babae ang sabay na nag-check-in kasama ng biktima noong Miyerkoles ng gabi.
Sa kuha naman ng CCTV ng Barangay 589, makikita ang isang babaeng naka-shades at face mask na may dalang helmet bago mag-7 a.m. kinabukasan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nakita umano itong palabas-pasok sa Old Santa Mesa at kalaunan ay tumatakbo sa kahabaan ng Peralta Street.
Ilang minuto matapos noon, hinanap ng roomboy ng hotel ang babaeng tumatakbo, na siya palang kasama ng biktima.
Samantala, hindi na nakunan ng CCTV ang lalaking kasama nila na tumungo naman sa kabilang kalsada.
“Sana naman, sa pamunuan ng hotel... bigyan nila ng security guard. Wala pong security guard ‘yun eh,” pahayag ni Barangay 589 Chairman Rafael Dizon, na umapela rin sa management ng hotel na palakasin ang kanilang seguridad.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang Manila Police District habang nagpapatuloy pa ang masusing imbestigasyon sa kaso.
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also
Batang babae sa Pampanga, kritikal matapos umanong gahasain at bugbugin ng 20-anyos na lalaki
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh
