Isa pang teacher sa Leyte, patay matapos pagbabarilin ng asawa sa loob ng paaralan
- Isang 39-anyos na Kindergarten teacher sa Matalom, Leyte, binaril ng kanyang asawa sa loob ng Agbanga Elementary School
- Ang 49-anyos na suspek ay nagkunwaring delivery rider para makapasok sa paaralan na walang security guard
- Napatay ang biktima matapos tamaan sa leeg habang nagtatangkang tumakas sa loob ng silid-aralan
- Ilang buwan bago ang insidente, nagsampa ng VAWC case ang biktima laban sa kanyang asawa
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isang trahedya na naman ang yumanig sa lalawigan ng Leyte matapos barilin ng isang lalaki ang kanyang asawang teacher sa loob mismo ng paaralan noong Oktubre 22, 2025, sa bayan ng Matalom.

Source: Facebook
Batay sa ulat ng Matalom Municipal Police Station, ang biktima ay isang 39-anyos na Kindergarten teacher ng Agbanga Elementary School, habang ang suspek naman ay ang kanyang 49-anyos na asawa. Ayon sa pulisya, nagkunwari ang lalaki bilang isang delivery rider upang makapasok sa paaralan bandang alas-11 ng umaga.
Sa panayam ng pulisya, kinumpirma nilang walang security guard sa nasabing paaralan, dahilan upang madaling makapasok ang suspek. Ayon sa mga kasamahan ng biktima, nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa bago ang pamamaril.

Read also
Batang babae sa Pampanga, kritikal matapos umanong gahasain at bugbugin ng 20-anyos na lalaki
Tumakbo umano ang biktima papasok sa isang silid-aralan, ngunit hinabol siya ng asawa at dalawang beses na binaril. Tinamaan siya sa leeg, na agad naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Sa kabutihang palad, walang ibang nasugatan sa nasabing insidente.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek at nakita pang papunta sa Matalom Proper, ngunit kalaunan ay natagpuan nang wala nang buhay sa kanilang tahanan sa Barangay Caridad Norte. Isang baril ang narekober malapit sa kanyang katawan.
“Ang nakikita po naming motibo is itong family problem kasi months ago ito pong babae nag-file ng case, particularly VAWC or RA 9262,” ayon kay Police Lt. Ronnel Cawili, officer-in-charge ng Matalom Police Station.
Dahil sa insidente, sinuspinde muna ang face-to-face classes sa Agbanga Elementary School habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.
Ito na ang ikalawang kaso ng pamamaril sa mga teacher sa Leyte sa loob lamang ng isang linggo. Noong Oktubre 16, 2025, isang 48-anyos na public school teacher sa Tanauan town ang nasugatan matapos barilin din ng sariling asawa sa loob ng kanyang silid-aralan.
Ayon sa ulat ng Tanauan Police, nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa kanang balikat at hita, ngunit mabilis siyang naisugod sa ospital matapos tulungan ng kanyang mga estudyante. Ang suspek naman ay iniulat na estranged husband ng biktima.
Dahil sa magkakasunod na trahedya, muling umigting ang panawagan ng publiko at ng mga grupo ng mga teachers para sa mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan, pati na rin ang mas mabigat na hakbang laban sa karahasang domestic.
Ang Violence Against Women and Children Act (RA 9262) ay nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan laban sa pisikal, emosyonal, at sekswal na pang-aabuso. Sa kaso ng biktima, ilang buwan bago ang pamamaril, siya ay nagsampa ng reklamo laban sa kanyang asawa sa ilalim ng nasabing batas.
Kamakailan, isang teacher sa Ilocos Norte ang sugatan matapos umanong atakihin ng dalawang estudyante. Nagdulot ito ng matinding diskusyon sa social media tungkol sa kaligtasan ng mga teachers sa loob ng paaralan at ang respeto ng mga mag-aaral sa awtoridad.
Isang malungkot na balita naman mula Davao de Oro kung saan pumanaw ang isang teacher umano dahil sa matinding stress sa trabaho. Iniimbestigahan ngayon ng DepEd ang nasabing kaso upang maprotektahan ang mental at emosyonal na kalagayan ng mga teachers sa bansa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh