Lalaki, binaril matapos kantahin ang awiting ikinagalit ng suspek sa Isabela
- Isang 47-anyos na construction worker ang nasawi matapos barilin ng lalaking hindi niya kilala sa isang videoke gathering sa Isabela
- Ayon sa pulisya, nagalit umano ang suspek sa kantang kinanta ng biktima at sinabing “para sa kanya raw” ang kanta
- Ang suspek ay tumakas matapos ang pamamaril at pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad
- Ayon sa BFP, ang insidente ay isa sa dumaraming kaso ng karahasan na may kaugnayan sa inuman at videoke sessions sa bansa
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Itinuring na “trahedya ng isang kanta” ang nangyaring pamamaril sa Barangay San Marcos, San Mateo, Isabela nitong Oktubre 19, 2025, matapos barilin at mapatay ang isang 47-anyos na lalaki habang nagvi-videoke sa isang kasiyahan.

Source: Facebook
Kinilala ang biktima bilang isang construction worker na bisita lamang sa pagtitipon. Ayon sa paunang imbestigasyon ng San Mateo Police, hindi magkakilala ang biktima at ang suspek na umano’y dumayo pa mula sa kalapit na bayan para sa nasabing okasyon.
Base sa salaysay ng mga nakasaksi, lumapit ang suspek sa grupo ng biktima at bigla na lamang itong binaril, matapos umano nitong kantahin ang isang awitin na ikinainit ng ulo ng lalaki. Sinabi umano ng suspek na “para sa kanya” daw ang kanta — bagay na nagbunsod ng kanyang galit. Hindi ibinunyag ng mga awtoridad kung anong kanta ang tinutukoy.
Tinamaan sa ulo at dibdib ang biktima at agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital, ngunit binawian din ng buhay habang ginagamot. Tumakas naman ang suspek matapos ang pamamaril.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay PSSg. Clemente Caronan, Jr., imbestigador ng kaso, mahirap pa sa ngayon matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin dahil hindi pa nare-recover ang ginamit na baril.
“According sa witness, dumayo ‘tong suspek kasi sa kabilang bayan po siya. Hindi po sila magkakilala ‘yung victim at suspect. ‘Yun nga po kasi hindi namin na-recover ‘yung baril, kaya ‘yung mga bala lang po, kaya nakipag-coordinate kami sa forensic,” paliwanag ni Caronan.
Kapag tuluyang nakilala at nahuli ang salarin, haharap ito sa kasong murder, alinsunod sa Article 248 ng Revised Penal Code, dahil sa malinaw na intensiyon nitong pumatay. Maaaring magpatong din ng mga aggravating circumstances, kabilang ang paggamit ng baril at ang pamamaril sa pampublikong lugar.
Karaniwan sa ganitong kaso, kung mapapatunayang walang provocation sa panig ng biktima, reclusion perpetua o habang-buhay na pagkakakulong ang maaaring kaharapin ng suspek.
Ang ganitong uri ng insidente ay hindi na bago sa bansa. Sa mga nakaraang taon, ilang beses nang naiulat ang away, pananaksak, at pamamaril na nagsimula lamang sa mga inuman o kantahan. Madalas, mga simpleng biruan o kantang di nagustuhan ang nagiging mitsa ng gulo — tinatawag pa nga itong “videoke rage” ng ilan.
Ayon sa mga eksperto, ang kombinasyon ng alak, emosyon, at sobrang personal na interpretasyon sa mga kanta ay madalas nagiging sanhi ng marahas na sitwasyon. Dahil dito, ilang lokal na pamahalaan na ang nagpatupad ng videoke curfew o ban sa gabi upang maiwasan ang ganitong insidente.
Isang ginang sa Cebu ang nagtamo ng malubhang sugat matapos pagsasaksakin ng kapitbahay nang ireklamo niya ang sobrang lakas ng videoke sa dis-oras ng gabi. Ayon sa ulat, nagkaroon ng mainit na pagtatalo bago nangyari ang pananaksak. Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong frustrated h0micide.
Sa isa pang insidente noong nakaraang taon, isang lalaki rin ang nabaril matapos magtalo sa kapwa kostumer sa isang videoke bar sa Iloilo. Nag-ugat umano ang gulo sa kantang pinili ng biktima na hindi nagustuhan ng suspek. Napatay ang biktima sa isang tama ng bala sa dibdib, habang agad namang sumuko ang suspek sa mga awtoridad.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh