Mag-asawa at anak, nasunog sa sariling bahay sa Cagayan de Oro

Mag-asawa at anak, nasunog sa sariling bahay sa Cagayan de Oro

  • Tatlong miyembro ng pamilya ang nasawi matapos masunog ang kanilang bahay sa Barangay Gusa, Cagayan de Oro City
  • Ayon sa mga kapitbahay, hindi nakalabas ang mga biktima dahil nakalock umano ang kanilang bahay habang natutulog
  • Base sa imbestigasyon, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang ikalawang palapag ng bahay
  • Ang padre de pamilya ay mananahi kaya may mga tumpok ng tela sa loob ng bahay na posibleng nagpasiklab ng apoy

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang trahedya ang naganap sa Barangay Gusa, Cagayan de Oro City matapos masunog ang bahay ng isang mag-asawa at ng kanilang 13-anyos na anak bago maghatinggabi nitong Lunes, Oktubre 20, 2025.

Mag-asawa at anak, nasunog sa sariling bahay sa Cagayan de Oro
Mag-asawa at anak, nasunog sa sariling bahay sa Cagayan de Oro (Image from video via GMA Regional TV One Mindanao)
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasawi ang tatlong miyembro ng pamilya matapos silang ma-trap sa loob ng kanilang bahay na mabilis na nilamon ng apoy.

Sa kuha ng CCTV, makikita na nagsimula ang apoy mula sa loob ng bahay bago ito tuluyang kumalat. Sabi ng kapitbahay ng mga biktima na si Joven Labunos, hirap umanong makalabas ang pamilya dahil sarado at nakalock ang bahay tuwing gabi.

Read also

Vlogger, nalunod habang tumatawid sa creek sa gitna ng bagyong Ramil sa Capiz

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Wala sila kagawas kay ila man ga lock-an ilang balay kung gabie na diha ra sila matulog sa kilid naay katre nila diha. Dili na ma sakaan ang taas kay gabok na mga kahoy,” ayon kay Labunos.

Dagdag ng mga awtoridad, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang ikalawang palapag ng bahay.

“Pag abot namo sa area, ang balay fully engulfed na gyud sa kalayo since gabie siya nahitabo late na gyud ang call nga na-receive namo,” pahayag ni Fire Inspector Louis Roy Solamo, hepe ng Lapasan Fire Station.

Read also

5 miyembro ng pamilya, patay nang mabagsakan ng puno ang kanilang bahay

Ayon pa sa BFP, wala nang kuryente ang bahay ng mga biktima sa mahabang panahon. Sa imbestigasyon, posibleng nakadagdag sa tindi ng apoy ang mga tumpok ng tela sa loob ng bahay dahil mananahi umano ang padre de pamilya.

Matapos makontrol ang sunog, natagpuan ng mga fire personnel ang tatlong bangkay sa loob ng nasunog na bahay. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy.

Isa pang nakikitang salik ng BFP ay ang kakulangan ng fire exits at ang kondisyon ng mga kahoy sa bahay na umano’y “gabok” na, kaya mabilis na bumagsak habang tinutupok ng apoy.

Isa sa mga pinakamadalas na sanhi ng pagkasawi sa mga insidente ng sunog sa Pilipinas ay ang pagkaka-trap ng mga tao sa loob ng kanilang tahanan. Ayon sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), malaking porsyento ng mga biktima ng sunog ay hindi nasusunog agad ng apoy, kundi nasasawi dahil sa pagkalanghap ng makapal na usok o kawalan ng daan palabas habang lumalaganap ang apoy.

Kadalasang nangyayari ang pagkaka-trap dahil sa nakasusing pinto, baradong daanan, o kulang sa emergency exits. Sa mga kabahayan sa mga urban areas, karaniwan ding may mga bakal o grills sa bintana, na bagama’t nakadagdag sa seguridad, ay nagiging bitag sa oras ng emerhensiya. Sa mga lugar na masisikip tulad ng mga barangay o informal settlements, nagiging mas delikado pa ito dahil magkakadikit ang mga bahay at mahirap daanan ng mga fire trucks.

Read also

One-year-old, patay sa sunog pagkatapos pumutok ng ceiling fan sa kwarto


Sa Quezon City, tatlong bata ang nasawi sa isang sunog na tumupok sa isang residential area noong Setyembre 2025. Ibinahagi ng kanilang ina ang matinding dalamhati at nanawagan ng tulong para maipalibing ang kanyang mga anak. Ayon sa BFP, mabilis na kumalat ang apoy dahil sa sikip ng mga bahay at kawalan ng tamang fire exit.

Sa isa pang insidente, isang taong gulang na bata ang nasawi matapos sumiklab ang sunog sa kanilang bahay dahil umano sa pumutok na ceiling fan. Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng electrical short circuit na naging sanhi ng pag-apoy. Muling nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na tiyaking ligtas ang mga appliances at mga kable ng kuryente sa tahanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate