Dalawang OFW na nawawala sa Hong Kong, natagpuan na at nsa maayos na kalagayan

Dalawang OFW na nawawala sa Hong Kong, natagpuan na at nsa maayos na kalagayan

  • Natagpuan ang OFWs na sina Imee Mahilum Pabuaya at Aleli Perez Tibay matapos ang halos dalawang linggong pagkawala
  • Huling nakita ang dalawa sa Lung Mun Country Trail sa Tsuen Wan noong October 4
  • Ayon sa DMW, sasailalim sila sa medical check-up at psychosocial counseling
  • Tiniyak ni Secretary Hans Leo Cacdac ang tulong para sa kanilang repatriation at pagkuha ng gamit

Natagpuan na ang dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) na halos dalawang linggong hinanap ng mga awtoridad sa Hong Kong.

Photo: DFA
Photo: DFA
Source: Facebook

Kinilala sila bilang sina Imee Mahilum Pabuaya, 24-anyos, at Aleli Perez Tibay, 33-anyos, ayon sa ulat ng Philippine Consulate General nitong Biyernes.

Base sa mga naunang ulat, huling nakita ang dalawang Pinay sa Lung Mun Country Trail sa Tsuen Wan matapos silang mag-hiking noong October 4.

Sa isang post sa X (dating Twitter), ibinahagi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na ang dalawang OFW ay dinala sa opisina ng MWO-OWWA sa Hong Kong.

Read also

Babaeng notoryus sa pagnanakaw, nahuli sa Sampaloc habang nagsusugal

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Nasa ligtas at maayos silang kalagayan bago sila kunin mula sa isang estasyon ng pulisya,” ani Cacdac.

Dagdag pa niya, inaasikaso na ang kanilang agarang pagpapauwi sa Pilipinas.

“Binibigyan sila ng psychosocial counseling at sasailalim sa medical check-up,” pahayag ng kalihim.

Ayon din kay Cacdac, natanggal na umano sa trabaho ang dalawa, ngunit tinutulungan sila ng DMW sa pagkuha ng kanilang mga gamit at pakikipag-ugnayan sa kanilang dating employer.

“‘Yun ang sabi nila, ‘yun ang version nila. Kakausapin pa natin sila nang mas detalyado at hihingi tayo ng sinumpaang salaysay,” dagdag niya.

Pinayuhan din ni Cacdac ang mga OFW na mag-ingat sa mga outdoor activities at siguraduhing may koordinasyon at komunikasyon sa mga opisina ng gobyerno upang maiwasan ang ganitong pangyayari.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Lalaki, patay pagkatapos tagain ng kasama sa inuman

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)