Babaeng notoryus sa pagnanakaw, nahuli sa Sampaloc habang nagsusugal

Babaeng notoryus sa pagnanakaw, nahuli sa Sampaloc habang nagsusugal

  • Arestado ang 56-anyos na babae sa Sampaloc, Maynila dahil sa pagsusugal
  • Natuklasan ng pulisya na may lima siyang warrant of arrest sa kasong pagnanakaw
  • Nakunan siya sa CCTV habang nagnanakaw sa isang fast food restaurant sa Maynila
  • Target umano ng suspek ang mga estudyante sa University Belt at Sampaloc area

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kinilala ng Barbosa Police Station ng Manila Police District (MPD) ang 56-anyos na babaeng inaresto sa Sampaloc, Maynila noong Agosto, bilang isang notoryus na magnanakaw.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Ayon kay Police Lt. Col. Arwen Nacional, hepe ng Barbosa Police Station, lumabas sa imbestigasyon na may limang warrant of arrest sa kasong pagnanakaw ang suspek.

Isa sa mga warrant ay isinilbi noong Setyembre 26 habang ito ay nakakulong sa Manila City Jail.

Nabunyag ang mga kaso laban sa kanya matapos lumabas ang isang CCTV footage na nagpapakita ng aktwal na insidente ng pagnanakaw sa isang fast food restaurant sa Maynila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa video, makikita ang suspek na umupo malapit sa biktima at ipinantakip ang dalang long sleeve habang dinudukot ang bag ng lalaki.

Read also

Babaeng teacher, binaril ng sariling asawa sa loob ng paaralan sa Tanauan, Leyte

“Tiningnan din namin yung files namin, may mga videos ng CCTV kaming nakita na meron siyang video ng actual na ,” pahayag ni Nacional.

Dagdag pa ng opisyal, madalas umanong targetin ng babae ang mga estudyante sa University Belt at paligid ng Sampaloc.

Dahil dito, nagpaalala ang pulisya sa publiko, lalo na sa mga kabataan, na huwag pabayaan ang kanilang mga gamit sa pampublikong lugar.

“Para sa ating mga estudyante, iwasan nating mag-iwan ng mga gamit... kasi binibigyan natin ng opportunity ang mga kawatan na makagawa ng mga krimen,” babala ni Nacional.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung kabilang ang suspek sa isang organisadong grupo ng mga kawatan.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Read also

LTO, sinuspinde ang lisensya ng driver na pinayagang magmaneho ang anak

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)