Torre, sa mungkahing tumakbo bilang VP: “Baka 84 days lang, impeach agad ako”
- Biniro ni dating PNP Chief Nicolas Torre ang ideya ng pagtakbo bilang Bise Presidente
- Binalikan niya ang kanyang 85-araw na panunungkulan bilang hepe ng PNP at sinabing baka mas maikli pa kung maging VP siya
- Sinabi niyang karangalan ang maisip para sa mataas na posisyon ngunit mas gusto niyang tahimik na buhay kasama ang pamilya
- Wala pang anunsyo mula sa Malacañang ukol sa posibleng bagong puwesto para kay Torre
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Dating Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas “Nick” Torre III ang nagbiro nang tanungin kung papayag ba siyang tumakbo bilang Bise Presidente ng bansa, sabay sabing baka hindi siya tumagal sa puwesto.

Source: Youtube
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Torre na nakakataba ng loob ang ideya ngunit hindi niya nakikita ang sarili na kayang gampanan ang ganoong katinding responsibilidad.
“It’s an honor, thank you very much for considering me,” ani Torre na may halong tawa. “Pero parang hindi ko kakayanin dahil, chief PNP nga lang, 85 days lang ako tanggal agad eh. So baka naman ‘pag nag-VP ako, edi na-impeach kaagad ako 84 days lang o 83 days lang.”

Read also
Gov. Sol Aragones, dinipensahan ang desisyong no face-to-face classes sa probinsya ng Laguna
Ayon kay Torre, malaking karangalan na maisama sa mga pinag-uusapan para sa mataas na posisyon sa gobyerno, ngunit hindi raw siya sigurado kung handa siyang muling pumasok sa sensitibong papel sa serbisyo publiko. Aniya, sapat na sa kanya ang mapayapang buhay na mayroon siya ngayon matapos ang mga taon ng pagsisilbi sa hanay ng pulisya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“Hindi ako sanay na walang ginagawa,” sabi pa ni Torre. “Pero ngayon ko lang naramdaman ‘yung tunay na pahinga. Medyo masarap din pala ang tahimik na buhay, may oras sa pamilya.”
Kasalukuyang naka-leave si Torre at mas pinipili ngayon ang simpleng pamumuhay kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Wala pang pahayag ang Malacañang ukol sa anumang posibleng bagong puwestong iaalok sa kanya, ngunit sinabi ni Torre na kuntento siya sa kanyang kasalukuyang sitwasyon.
“Maraming salamat na rin kasi nabigyan ako ng pagkakataong huminga. Siguro ito ‘yung tamang panahon para magpahinga at magmuni-muni,” dagdag pa niya.
Si Nicolas Torre III ay isang beteranong opisyal ng pulisya na nagsilbi bilang Hepe ng PNP sa loob ng 85 araw bago siya inalis sa puwesto dahil sa reorganisasyon sa loob ng ahensya. Kilala si Torre bilang isang disiplinado at diretso magsalita na opisyal. Bago siya naitalaga bilang chief, naglingkod siya sa iba’t ibang posisyon sa Metro Manila at nakilala sa kanyang pagiging approachable sa mga tauhan at sa publiko.
Sa isang ulat ng Kami.com.ph, sinabi ni Torre na hindi siya karapat-dapat mamuno sa National Bureau of Investigation (NBI) sa kabila ng mga espekulasyong maaari siyang italaga sa naturang ahensya. Paliwanag niya, iba ang saklaw ng kanyang karanasan bilang pulis kumpara sa mga imbestigasyon na ginagawa ng NBI. Dagdag pa ni Torre, nagpapasalamat siya sa tiwalang ibinibigay sa kanya ngunit mas gusto niyang umiwas muna sa mga mataas na puwesto sa gobyerno.
Ayon sa isa pang ulat ng Kami.com.ph, inilipat si Torre sa PNP Personnel Holding and Accounting Unit matapos siyang ma-relieve bilang PNP Chief. Ang naturang hakbang ay bahagi ng panloob na reorganisasyon sa loob ng pulisya. Tinanggap naman ito ni Torre nang buong kababaang-loob at sinabing patuloy siyang maglilingkod saanman siya italaga. Sa kabila ng maikling panunungkulan, ipinahayag niyang proud siya sa kanyang nagawa at umalis siyang may malinis na konsensya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh