Truck, umararo ng 3 kabahayan at 10 sasakyan; 4 patay

Truck, umararo ng 3 kabahayan at 10 sasakyan; 4 patay

  • Apat ang namatay at walo ang nasugatan matapos araruhin ng truck ang mga sasakyan at bahay sa Lucena City
  • Nawalan ng kontrol ang truck matapos umapoy ang gulong nito habang binabagtas ang Maharlika Highway
  • Limang sasakyan at tatlong bahay ang nasira sa aksidente, at ilang sasakyan pa ang nasunog
  • Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa sanhi ng insidente at sa kabuuang halaga ng pinsala

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Lucena Component City Police Station/GMA News on Facebook
Lucena Component City Police Station/GMA News on Facebook
Source: Facebook

Apat ang kumpirmadong patay at walo ang sugatan matapos salpukin ng isang truck ang mga sasakyan at bahay sa gilid ng Maharlika Highway, Barangay Isabang, Lucena City, pasado hatinggabi nitong Sabado.

Batay sa ulat ng Lucena City Police Station, nawalan ng kontrol ang truck na papasok sa lungsod matapos magliyab ang gulong nito.

Sa pagdulas, una nitong binangga ang limang nakaparadang sasakyan.

Nagpatuloy ang truck sa pag-araro hanggang masalpok ang tatlong bahay at ilan pang nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa lakas ng impact, gumuho ang ilang bahay at nasunog ang mga tinamaan nitong sasakyan.

Read also

Buong pamilya na may 12 miyembro, nabalitaang tinangkang magpakamatay matapos ang lindol sa Cebu

Ayon sa mga residente, mabilis ang takbo ng truck bago ito mawalan ng kontrol.

Nataranta umano ang mga taong nakatira malapit sa lugar dahil sa malakas na pagsabog at apoy na sumiklab matapos ang banggaan.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at mga pulis para apulahin ang sunog at tulungan ang mga biktima.

Patuloy na inaalam ng mga imbestigador kung ano ang naging sanhi ng sunog at kung nagkaroon ng aberya sa preno ng truck.

Sa ngayon, patuloy rin ang pagtukoy sa kabuuang halaga ng pinsala sa mga ari-arian at sasakyan na nadamay sa malagim na aksidente.

Basahin ang artikulo ng BALITAMBAYAN dito para malaman ang iba pang detalye tungkol sa malagim na trahedya na ito.

Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.

Read also

Teacher at limang estudyante, sugatan sa pagbagsak ng kisame ng classroom sa Davao City

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: