Pina-practice na wedding speech ng parents of the bride, kinaaliwan: "Iligaw mo na lang"

Pina-practice na wedding speech ng parents of the bride, kinaaliwan: "Iligaw mo na lang"

  • Nag-viral kamakailan ang video ng mga magulang ng isang soon-to-be-bride
  • Sapul kasi sa video ang pagpa-practice nila ng speech sa kasal ng kanilang anak
  • Ngunit ang speech na kanilang pina-practice ay labis na kinagiliwan ng marami
  • Aniya pa kasi ng father of the bride sa clip, "Iligaw mo na lang" na nagpatawa sa netizens

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naging viral at labis na nagpangiti sa mga netizen ang isang video na ibinahagi ng bride na si Claudine Batas-Orlas matapos niyang marinig ang kanyang mga magulang na nagpa-practice ng kanilang speech para sa kanyang kasal. Ang nakakatuwang detalye sa video: ang inihanda nilang pahayag ay tila isa umanong 'disposal speech' para sa magiging mister ni Claudine.

Pina-practice na wedding speech ng parents of the bride, kinaaliwan: "Iligaw mo na lang"
Photos: Claudine Batas-Orlas via Philippine Star on Facebook
Source: Facebook

Sa exclusive feature ng Philippine Star na pinamagatang, ikinuwento ni Claudine ang pangyayari noong gabi bago ang kanyang kasal. Ayon kay Claudine, habang naliligo siya, narinig niya ang kanyang ama at ina na nag-uusap tungkol sa kanilang speech sa paparating na wedding. Ang usapan ay humantong sa isang nakakagulat at nakakatuwang payo para sa kanyang asawa.

Read also

Babaeng nag-report na may bagong silang sa kulungan ng baboy, siya pala ang ina

Sabi ng kanyang ama: "Kapag hindi mo na siya mahal, ayaw mo na sa kanya, wag mo nang ibalik sa amin. Iligaw mo na lang." At dahil matalino at maparaan daw si Claudine, nagbigay pa ang kanyang ama ng detalyadong 'plan' para "iligaw" siya: "Iligaw mo na lang, tutal hindi naman yan marunong mag-commute eh. At kung ililigaw mo na, doon sa medyo malayo, tsaka walang wifi."

Nakisali naman ang kanyang ina sa biruan at sinabing: "Kasi matalino yan, kasi matalino yan. Matalino yan. Hindi mo pwedeng maligaw yan." Hindi raw napigilan ni Claudine ang mapaluha habang pinapakinggan ang paghahanda ng kanyang mga magulang. Sa araw ng kasal, laking gulat niya na itinuloy ng mga ito ang seryoso-pero-nakakatawang mensahe para sa kanila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Akala ko naman, hindi talaga nila itutuloy yun," pagbabahagi ni Claudine. Aniya, talagang impromptu ang naging speech at nagmula sa puso. Sa kabila ng mga biro, nagtapos ang speech ng kanyang mga magulang sa isang taos-pusong pangako: anuman ang mangyari sa kanilang mag-asawa, hindi sila kakampihan at laging nandiyan ang kanilang mga magulang.

Read also

Isabelle Daza, ipinakita ang laging tinatanong sa kanya ng anak niyang si Esmeralda Gloria

Ayon pa kay Claudine, dahil sa sandali na iyon, mas lalo niyang naramdaman kung gaano siya ka-blessed sa kanyang pamilya at kung gaano siya kamahal ng kanyang mga magulang.

Panoorin ang video sa ibaba:

Ang mga balita, litrato, o video na pumupukaw ng interes ng mga netizen ay kadalasang nagiging viral sa social media. Ang mga post na ito ay karaniwang umaapela sa emosyon ng mga netizen — at mabilis na nakakapukaw ng malawakang talakayan. Bagama't karamihan sa viral content ay nagtatampok ng mga celebrity o matataas na personalidad, mayroon ding bihira ngunit kapansin-pansing mga pagkakataon na nangyayari ito sa mga ordinaryong indibidwal.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay isang simpleng utos ang talaga namang nauwi sa halakhakan sa social media. Nag-post kasi ang isang user na si @rovs_who ng pangyayari sa kanilang bahay. Tila inutusan ng kanilang mama ang kanyang kapatid na kumuha ng malunggay. Ngunit, ang dinala ng kanyang kapatid sa bahay ay talaga namang ikinawindang ng lahat online.

Read also

Donnalyn Bartolome, ibinunyag ang "plan" ni JM de Guzman: "Now that’s a MAN"

Samantalang ay naglabas ng opisyal na pahayag ang LBC, isang courier company. Noong Wednesday, July 9, naglabas ng statement ang LBC sa Facebook. Ito ay ukol sa kanilang truck at sa isang insidente sa Atimonan. Ani LBC, tinitiyak nilang mai-deliver agad ang shipments.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco

Tags: