Tax evasion, ikinaso ng BIR sa mag-asawang Discaya; hindi binayarang buwis, umabot sa mahigit ₱7B
- Mag-asawang kontratista na sina Pacifico “Curlee” at Cezarah “Sarah” Discaya, sinampahan ng kaso ng BIR
- Umabot sa mahigit ₱7.1 bilyon ang umano’y hindi nabayarang buwis ng mag-asawa
- Hindi rin sila nagsumite at nagbayad ng excise tax para sa siyam na luxury cars
- Konektado rin ang mag-asawa sa mga iniimbestigahang flood control projects
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!

Source: Facebook
Nagsampa ng kasong kriminal ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa mag-asawang kontratista na sina Pacifico “Curlee” Discaya at Cezarah “Sarah” Cruz Discaya, kasama ang isang opisyal ng St. Gérard Construction Gen. Contractor and Development Corporation.
Ayon sa ahensya, umabot sa ₱7,182,172,532.20 ang kabuuang buwis na hindi umano nila nabayaran.
Ipinahayag ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang balita sa Maynila noong Miyerkules, Oktubre 8, 2025.
Sa imbestigasyon ng BIR, lumabas na hindi nakapagbayad ng income tax ang mag-asawang Discaya mula 2018 hanggang 2021.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bukod dito, natuklasan din na hindi sila nagsumite ng excise tax returns at hindi rin nagbayad ng buwis para sa siyam na luxury vehicles na nakarehistro sa kanilang pangalan, base sa tala ng Land Transportation Office (LTO).
Ayon kay Lumagui, ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng BIR laban sa mga negosyante at indibidwal na umiiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.
Layunin nitong mapalakas ang koleksyon ng gobyerno at mapanatili ang patas na sistema ng pagbubuwis.
Kasalukuyan ding iniimbestigahan ang mag-asawang Discaya dahil sa umano’y iregularidad sa ilang flood control projects.
Isa umano ito sa mga dahilan kung bakit mas binigyang pansin ng mga awtoridad ang kanilang pinansyal na operasyon.
Basahin ang artikulo na nilathala ng PhilSTAR Life dito upang malaman ang iba pang detalye tungkol sa kwentong ito.
Si Sarah Discaya ay isang Filipina negosyante, pilantropo, at political figure na kasalukuyang Chief Financial Officer ng St. Gerrard Construction and Development Corporation. Kilala siya sa kanyang mga gawaing kawanggawa tulad ng medical missions at mga programang pangkalinga, kung saan nakilala siya sa pagsuporta sa kalusugan, edukasyon, mga solo parent, at senior citizens. Noong 2025, tumakbo siya bilang alkalde ng Pasig City na may platapormang gawing isang “smart city” ang lungsod sa pamamagitan ng mas maayos na serbisyong pangkalusugan, digital connectivity, at modernong sistema, ngunit natalo siya kay incumbent Mayor Vico Sotto. Sa kabila ng pagkatalo, nananatili siyang kinikilala dahil sa kanyang pamumuno, pagkakawanggawa, at adbokasiya para sa pagpapalakas ng komunidad.
Sa isang ulat ng KAMI, iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Customs (BOC) ang humigit-kumulang 40 luxury cars na konektado sa pamilya ni Sarah Discaya. Nagsimula ito matapos ang isang viral interview kung saan ipinakita ni Discaya ang kanilang koleksyon ng mga mamahaling sasakyan. Susuriin ng BOC ang consignee ng mga sasakyan upang alamin kung may paglabag sa kanilang importasyon. Konektado rin si Discaya sa mga kontraktor ng flood control projects na kasalukuyang iniimbestigahan ng Senado.
Bukod dito, nag-post kamakailan si Korina Sanchez-Roxas sa kanyang Instagram account kung saan nakapose siya sa harap ng isang magarang palasyo habang nasa Disneyland. Ginawa rin niya itong biro kaugnay ng isyung kinasasangkutan niya. Sa unang bahagi ng kanyang post, isinulat niya ang “My P10 Million Palace,” na may kaugnayan umano sa mga alegasyong ibinabato sa kanya ni Mayor Vico Sotto.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh