Cayetano, handang magbitiw bilang senador kung susundan siya ng iba

Cayetano, handang magbitiw bilang senador kung susundan siya ng iba

  • Handang magbitiw si Sen. Alan Peter Cayetano kung sabay-sabay din magre-resign ang iba pang opisyal sa pamahalaan
  • Kaugnay ito sa kaniyang mungkahing magkaroon ng “snap elections” para sa lahat ng elected officials
  • Nilinaw niyang layunin nito ang “national renewal,” hindi personal na ambisyon o kudeta
  • Ayon kay Cayetano, “mag-sacrifice tayo, hindi mag-su!cide,” bilang pahayag sa kaniyang paninindigan

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Buo ang loob ni Sen. Alan Peter Cayetano na pangunahan ang pagbibitiw sa puwesto kung ito ay bahagi ng sabay-sabay na hakbang ng lahat ng opisyal ng pamahalaan para sa tinatawag niyang “national renewal.”

Cayetano, handang magbitiw bilang senador kung susundan siya ng iba
Cayetano, handang magbitiw bilang senador kung susundan siya ng iba (📷Alan Peter Cayetano/Facebook)
Source: Facebook

Sa press conference noong Miyerkules, Oktubre 8, 2025, tahasang sinabi ng senador na handa siyang mauna kung makatitiyak siyang susunod din ang iba. “Pangungunahan ko. Payag akong mauna. No problem do’n,” wika ni Cayetano. Ngunit nilinaw niyang ang ibig niyang sabihin ng “mauna” ay hindi siya lang mag-isa.

“No. Mauna means lahat kami. Walang nagsasabing ikaw mag-isa... ‘Pag isa lang ang nag-resign, walang mangyayari. Ang sinasabi ko, mag-sacrifice tayo, hindi mag-suic!de,” paliwanag pa ng senador.

Read also

Arron Villaflor, nag-sorry matapos batikusin sa “Pray for Cebu” post

Ayon kay Cayetano, ang layunin ng kaniyang panukalang sabayang pagbibitiw ay ang paglikha ng bagong simula at pag-asa para sa bansa. “The problem will have new hope if we do it all as a group. Kung gusto niyong mauna ako, basta’t may assurance akong susunod kayo,” dagdag niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tinawag ng senador na isang “suntok sa buwan” ang ideya ng sabay-sabay na pagbibitiw at snap election, ngunit naniniwala siyang posible ito kung may pagkakaisa. “Suntok sa buwan naman itong proposal na ‘to but you’ll never know, minsan tinatamaan ang buwan,” aniya.

Dagdag pa ni Cayetano, hindi umano layunin ng kaniyang mungkahi ang paglikha ng gulo o kudeta. “Kasi kung hindi, ano’ng alternatives, kudeta, people power? Hopefully, hindi tayo umabot do’n. But people talk about some kind of revolution, I want to talk about transformation and revival instead of people power and revolution,” paliwanag niya.

Matatandaang noong Oktubre 5, nagbahagi ang senador ng kaniyang pagninilay sa Facebook kung saan binanggit niya ang kakulangan ng tiwala ng publiko sa mga opisyal ng gobyerno. “People have lost trust in government and government officials. Honestly, who can blame them? So here’s a thought: WHAT IF we all just resign and allow a Snap Election,” ani Cayetano sa naturang post.

Read also

Lino Cayetano, sumuporta sa panawagan para sa snap elections

Sa panibagong post noong Oktubre 6, nilinaw naman niya na hindi niya intensyong sabihan ang sinuman na magbitiw. “It’s not my job nor my intention to tell anyone what to do… My duty is to reflect on the problems our nation faces. Discern, Pray, Then Articulate Ideas,” pahayag niya.

Sa kabila ng mga reaksyong natanggap niya sa publiko, nananatili raw siyang bukas sa anumang diskusyon patungkol sa posibleng reporma sa pamahalaan.

Si Alan Peter Cayetano ay kasalukuyang senador at dating Speaker ng Kamara. Matagal na siyang aktibong personalidad sa politika, kilala sa kaniyang pagiging vocal sa mga isyung pambansa. Sa mga nagdaang taon, ipinakita niya ang kagustuhang magpatupad ng “transformative politics” at madalas ding magbigay ng mga panukala ukol sa transparency at accountability ng gobyerno.

Ang konsepto ng “snap elections” na kaniyang iminungkahi ay tinuturing ng ilan bilang radikal ngunit may layuning ibalik ang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan.

Nauna nang sinabi ni Cayetano na oras na upang pag-isipan ng bansa ang isang “reset” sa pamahalaan. Sa panukalang ito, gusto niyang magsagawa ng sabayang halalan kung saan walang incumbent official ang maaaring tumakbo sa isang cycle. Ayon sa kanya, ito raw ang posibleng paraan upang muling mabawi ang tiwala ng taumbayan sa mga lider.

Read also

Angel Aquino inamin na nagkakagusto rin siya sa mga babae

Sumang-ayon si dating Taguig City Mayor Lino Cayetano sa ideya ng kanyang kapatid na senador hinggil sa snap elections. Ayon kay Lino, naniniwala siyang kailangan ng bansa ng “fresh start” at panibagong tiwala sa pamahalaan. Ipinahayag niya na oras na para magkaisa ang mga opisyal at isulong ang reporma sa halip na mag-away sa politika.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate