Baby boy, nasagip matapos inabandona sa kangkungan

Baby boy, nasagip matapos inabandona sa kangkungan

  • Isang bagong silang na sanggol na lalaki ang natagpuan sa isang kangkungan sa Macabebe, Pampanga
  • Ulo lamang ng sanggol ang nakalitaw nang makita siya sa abot-tuhod na tubig
  • Agad siyang isinugod ng mga residente sa ospital sa tulong ng mga opisyal ng barangay
  • Ligtas na ngayon ang sanggol at nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Nasagip ng mga residente sa Macabebe, Pampanga ang isang bagong silang na sanggol na lalaki matapos siyang matagpuang inabandona sa isang kangkungan.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: Facebook

Agad na kumilos ang mga residente upang iligtas ang bata mula sa delikadong kalagayan.

Batay sa ulat ng "Unang Balita" nitong Martes, sama-samang tumulong ang mga residente upang mailigtas ang sanggol na natagpuan sa abot-tuhod na tubig, kung saan ulo lamang nito ang nakalitaw.

Ayon sa mga nakakita, tila kagagaling lang sa panganganak ang sanggol at narinig nila ang mahina nitong iyak bago siya natagpuan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“Ulo na lang niya ang nakalitaw sa tubig,” sabi ng isang residente na tumulong sa pagsagip sa bata. Dahil dito, agad nilang tinawagan ang mga opisyal ng barangay upang maisugod ang sanggol sa pinakamalapit na ospital.

Read also

TikTok prankster, himas-rehas dahil sa kanyang viral 'Syringe Prank'

Sa pagsusuri ng mga doktor, kumpirmadong ligtas at nasa maayos na kalagayan ang sanggol matapos ang insidente.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung sino ang nag-iwan sa sanggol at kung ano ang mga dahilan sa likod ng pag-abandona.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang bata upang masiguro ang kanyang kaligtasan at maayos na pag-aaruga.

Ang mga balita, larawan, o bidyong umaantig o umaakit sa interes ng mga netizen ay madalas maging viral sa social media, dahil sa atensyong ibinibigay ng mga ito. Ang mga viral na post na ito ay karaniwang humahaplos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, kaya nagiging madali silang makarelate.

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang lindol na may lakas na magnitude 6.9 ang yumanig sa karagatang malapit sa Bogo City bandang 9:59 ng gabi, mas mataas kaysa sa naunang 6.7 ayon sa Phivolcs. Umabot sa 35 ang nasawi — 30 sa Bogo City at 5 sa San Remigio — kabilang ang isang sampung taong gulang na bata. Gumuho ang sports complex habang may ginaganap na laro ng basketball, kung saan nasawi ang ilang miyembro ng Coast Guard at BFP; patuloy pa rin noon ang mga rescuer sa paghahanap. Sinuspinde rin ang mga klase at ipinag-utos ang mga safety inspection habang nakararanas ang Cebu ng pagkawala ng kuryente, aberya sa komunikasyon, at mga babala ng aftershock.

Read also

Ate Gay, masayang ibinahagi ang malaking pagbabago sa kanyang kalagayan matapos ang radiation

Sa isa pang lokal na ulat na naging viral, isang 51-anyos na titser sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang pinagsasaksak nang maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa "Unang Balita, ang 38-anyos na suspek ay isinagawa ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Sinabi ng mga awtoridad na may guwardiya ang paaralan, ngunit dahil kilala ang suspek roon, madali itong nakapasok at nakalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang makipag-usap at ayusin ang kanilang alitan, ngunit sa kasamaang-palad, nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)