Babaeng nag-report na may bagong silang sa kulungan ng baboy, siya pala ang ina

Babaeng nag-report na may bagong silang sa kulungan ng baboy, siya pala ang ina

  • Isang babae sa Leon, Iloilo ang nag-report na may nakita siyang bagong silang na sanggol sa bakanteng kulungan ng baboy
  • Nang magsagawa ng imbestigasyon, lumabas na siya mismo ang ina ng sanggol
  • Napansin ng mga pulis ang bahid ng dugo sa kanyang damit at binti kaya sila nagduda
  • Nasa maayos na kalagayan na ngayon ang sanggol sa pangangalaga ng MSWDO

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Isang nakakagulat na katotohanan ang natuklasan ng mga awtoridad sa Leon, Iloilo matapos malaman na ang babaeng nag-ulat na nakakita ng bagong silang na sanggol sa kulungan ng baboy ay siya pala mismo ang ina ng bata.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: Facebook

Ayon sa ulat ni Thess Ordales ng GMA Regional TV One Western Visayas nitong Lunes, nangyari ang insidente noong Sabado ng umaga sa Barangay Anonang.

Ang 20-anyos na si “Ana Mae” ay nagsabi sa kanyang mga kamag-anak na may nakita siyang sanggol sa isang bakanteng kulungan ng baboy malapit sa kanilang lugar.

Read also

Nawawalang lalaki, natagpuang patay sa loob ng drum sa Maguindanao del Sur

Kaagad na dinala ang sanggol sa pagamutan at nasa maayos na kalagayan na ngayon sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunman, ayon kay Police Lieutenant Mark Cortez, deputy chief ng Leon Police Station, nagsimulang magduda ang mga imbestigador sa kuwento ni Ana Mae matapos mapansin ang kakaiba nitong kilos.

Napansin din umano nila ang mga bahid ng dugo sa kanyang damit at binti na nagdulot ng higit pang pagdududa.

Kalaunan, umamin ang babae na siya ang ina ng sanggol. Inamin niyang itinago niya ang kanyang pagbubuntis dahil sa hiya sa mga kamag-anak na kanyang tinitirhan at sa takot na mapagalitan.

Ibinunyag din ni Ana Mae na mag-isa niyang iniluwal ang sanggol. Napag-alaman ng mga awtoridad na mayroon na rin siyang dalawang taong gulang na anak mula sa dati niyang kinakasama, habang hindi pa natutukoy kung sino ang ama ng kanyang bagong sanggol.

Patuloy na tinutulungan ng mga pulis at social welfare office ang mag-ina upang matiyak ang kanilang kaligtasan at kalusugan.

Read also

Isabelle Daza, ipinakita ang laging tinatanong sa kanya ng anak niyang si Esmeralda Gloria

News, photos, or videos that arouse the interest of netizens would often go viral on social media, due to the attention netizens give them. These viral posts appeal to the emotions of netizens, and in rare cases, this could also happen to ordinary people, making them very relatable.

In a previous report by KAMI, a magnitude 6.9 quake struck off Bogo City at 9:59 p.m., upgraded from initial 6.7, according to Phivolcs. Death toll rose to 35, with 30 in Bogo City and 5 in San Remigio, including a 10-year-old boy. Sports complex collapsed during a basketball game, killing Coast Guard and BFP members; rescuers still searching. Classes suspended and safety checks ordered, as Cebu faces power outages, communication cuts, and aftershock warnings.

In another viral local report, a 51-year-old public school teacher in Las Piñas City was stabbed multiple times by her own husband. According to the report of EJ Gomez in 'Unang Balita,' the 38-year-old suspect committed the crime inside the school's faculty room. Police authorities said the school has a security guard, but, being a familiar face in the school, the suspect managed to easily get in and out of the school. The suspect said he was there to talk to his wife and settle their misunderstanding, but unfortunately, it led to a big arguement.

Read also

Manager ng rapper na may nakitang nabubulok na bangkay sa kanyang kotse, nagsalita na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)