Mahigit 100 sinkhole natagpuan sa San Remigio, Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol

Mahigit 100 sinkhole natagpuan sa San Remigio, Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol

  • Higit isang daang sinkhole ang natuklasan sa San Remigio, Cebu matapos ang 6.9 magnitude na lindol noong Setyembre 30
  • Ayon kay Mayor Mariano Martinez, ilang linggo bago ang lindol ay binalaan na sila ng Phivolcs tungkol sa presensiya ng mga sinkhole
  • Maraming residente ang lumikas at pansamantalang nanunuluyan sa open fields dahil sa takot sa posibleng pagguho
  • Ang lokal na pamahalaan ay nakikipag-ugnayan sa DPWH para sa pagtatayo ng tent city para sa mga apektado

Patuloy na balot ng takot ang mga taga-San Remigio, northern Cebu, matapos maglitawan ang mahigit isang daang sinkhole sa iba’t ibang bahagi ng bayan kasunod ng magnitude 6.9 na lindol noong Setyembre 30, 2025.

Mahigit 100 sinkhole natagpuan sa San Remigio, Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol
Mahigit 100 sinkhole natagpuan sa San Remigio, Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol ('📷ABS-CBN News/X)
Source: Twitter

Kinumpirma ni Mayor Mariano Martinez na base sa paunang pagsusuri ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mahigit 100 sinkhole na ang natukoy sa bayan — at maaaring mas marami pa ang nakatago sa ilalim ng lupa.

“Actually few weeks ago niari ang Phivolcs, ni briefing sila namo, and according to their assessment, that we have over a hundred sinkholes diri sa among lungsod,” pahayag ni Martinez sa panayam ng CDN Digital noong Oktubre 4. “But karon, after the earthquake, we discovered them. Daghan ni pop up sa among lungsod. I’m positive naa pay daghan nga wala pa makit-e.”

Read also

Sa Sitio Sansan, Barangay Maño, hindi bababa sa 15 sinkhole ng iba’t ibang laki ang naitala. May mga karagdagang ulat din ng sinkhole malapit sa Poblacion, dahilan upang ipatupad ang agarang paglikas sa mga pamilyang nakatira malapit sa mga lugar na ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“For now, we are informing the people about the sinkholes, and some people close to a sinkhole are evacuating,” paliwanag ni Martinez. “Ang uban murag safe pa, pero dapat dili gyud magpabilin duol.”

Dahil sa patuloy na mga aftershock, higit sa isang libong residente ang pansamantalang tumutuloy sa mga open field imbes na sa mga gusali. “Before naa man gyud mi evacuation centers like covered courts, pero karon nobody wants to go into buildings kay kuyawan man,” dagdag pa ng alkalde.

May plano na ring bumuo ng tent city katuwang ang pambansang pamahalaan, habang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay magsasagawa ng pagsusuri sa mga posibleng ligtas na lugar para rito.

Read also

Ayon sa mga geologist, karaniwan ang paglitaw ng mga sinkhole sa mga lugar na may limestone o batong madaling matunaw ng tubig-ulan. Kapag paulit-ulit na nasisipsip ng tubig ang mga mineral sa ilalim ng lupa, nabubuo ang mga puwang na kalauna’y guguho kapag nagkaroon ng matinding pagyanig.

Batay sa mga scientific studies, ang lindol ay maaaring magsilbing trigger na nagpapabagsak sa mga naunang nabuo nang butas sa ilalim ng lupa. Sa kaso ng San Remigio, lumalabas na ang mga sinkhole ay matagal nang naroon ngunit naging mas malinaw lamang matapos ang lindol. Dahil dito, patuloy na mino-monitor ng Phivolcs at ng local government ang mga posibleng lugar na may panganib ng pagguho.

Sa isang ulat ng Kami.com.ph, ilang construction workers sa Cebu ang inabutan ng 6.9 magnitude na lindol habang nagtatrabaho sa ika-28 palapag ng isang gusali. Inilarawan nila ang matinding pag-uga at ang mabilis nilang paglikas upang makaligtas. Wala namang naiulat na nasaktan, ngunit marami ang nananatiling takot sa mga posibleng aftershock.

Read also

Samantala, si Kim Chiu ay personal na namili ng construction materials para sa mga nasalanta ng lindol sa Cebu. Ipinakita ng aktres ang kanyang malasakit sa pamamagitan ng pag-abot ng tulong sa mga pamilyang nawalan ng tirahan, na nagbigay inspirasyon sa mga netizens na tumulong din sa kani-kanilang paraan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: