Apollo Quiboloy, isinugod sa ospital matapos mahirapang huminga

Apollo Quiboloy, isinugod sa ospital matapos mahirapang huminga

  • Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na isinugod sa isang pampublikong ospital si Apollo Quiboloy noong Setyembre 11 matapos makaranas ng matinding hirap sa paghinga
  • Matapos ang pagsusuri ng mga doktor, napatunayang mayroon siyang community-acquired pneumonia na nasa kategoryang moderate risk, dahilan upang kailanganin ang masusing medikal na atensyon
  • Kaagad ipinaalam ng BJMP sa Regional Trial Court Branch 159 sa Pasig City ang kanyang kalagayan, at noong Setyembre 15 ay naglabas ng kautusan ang korte na nagbibigay pahintulot sa kanyang pagpapaospital
  • Ayon sa pahayag ng BJMP noong Setyembre 30, 2025, nananatili siyang naka-confine ngunit stable at patuloy na nagpapagaling alinsunod sa mga patakaran ng ahensya para sa Persons Deprived of Liberty (PDL)

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Martes, Setyembre 30, na stable na ang kondisyon ng religious leader na si Apollo Quiboloy matapos itong isugod sa isang pampublikong ospital dahil sa hirap sa paghinga.

Read also

Wish ni Carla Abellana bago matapos ang taon: “May makulong na mga korap!”

Apollo Quiboloy, isinugod sa ospital matapos mahirapang huminga
Apollo Quiboloy, isinugod sa ospital matapos mahirapang huminga (📷Apollo Quiboloy/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay BJMP spokesperson Jail Supt. Jayrex Businera sa panayam ng Philstar.com, si Quiboloy ay isinugod sa ospital noong Setyembre 11 mula sa Pasig City Jail matapos makaranas ng “difficulty in breathing.” Sa pagsusuri, siya ay napatunayang mayroong community-acquired pneumonia na nasa moderate risk.

Sa pahayag ni Businera, “He was later diagnosed with Community Acquired Pneumonia (Moderate Risk).” Dagdag pa niya, ipinaalam na rin sa korte ang sitwasyon at naglabas ng pahintulot ang Regional Trial Court Branch 156 noong Setyembre 15 upang magpatuloy ang pagpapaospital.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“As of 30 September 2025, he is stable and recovering in a public hospital, in line with BJMP policies on medical care for PDL (person deprived of liberty),” dagdag ni Businera.

Habang naka-confine, patuloy na nakatutok ang BJMP sa kalagayan ng religious leader na kilala sa bansag na “Son of God.”

Si Apollo Carreón Quiboloy ay kilalang televangelist at pinuno ng Kingdom of Jesus Christ (KJC). Matagal na niyang ipinakilala ang sarili bilang “Appointed Son of God” at nakilala rin bilang malapit na kaalyado ng dating pangulong Rodrigo Duterte.

Read also

DepDev, hinamon ng mambabatas na patunayang sapat ang P84 para sa pagkain

Ngunit sa kabila ng kanyang imahe sa relihiyon at politika, nahaharap siya ngayon sa malalaking kaso. Sa Pilipinas, kinasuhan siya ng s3xual abuse at qualified human tr4fficking, at pinaghihinalaang sangkot sa pang-aabuso sa daan-daang kababaihan. Sa parehong panahon, nakaharap din siya sa contempt charges mula sa parehong Senado at Kamara matapos hindi dumalo sa mga ipinatawag na pagdinig.

Hindi lang sa lokal na korte siya may kinakaharap na kaso. Sa Estados Unidos, kabilang siya sa most wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at nahaharap sa mabibigat na paratang kabilang ang s3x tr4fficking, coercion, at human tr4fficking conspiracy.

Sa isang ulat ng Kami.com.ph noong Setyembre 2024, tinugon ng Commission on Elections (COMELEC) ang hiling ni Apollo Quiboloy kaugnay ng electoral protest. Ayon sa balita, bukas ang COMELEC sa posibilidad basta’t magsumite ng tamang protesta si Quiboloy. Binanggit na malinaw ang proseso at dapat sundin ang itinakdang regulasyon.

Samantala, iniulat din ng Kami.com.ph nitong Agosto 2025 na ang gobyerno ng Estados Unidos ay naghain ng extradition request laban kay Quiboloy. Ayon sa GMA News report na binanggit ng artikulo, pinatutunayan lamang nito ang seryosong kaso na kinakaharap ng religious leader sa Amerika. Dagdag pa, nagiging sentro ito ng diskusyon sa mga diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at US.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate