Raliyistang na body-shame dahil sa kanyang kili-kili, may makabuluhang resbak sa socmed
- Ang raliyistang si Nathalie Julia Geralde bumwelta sa mga body-shamer matapos kumalat ang larawan niya sa protesta sa Luneta
- Sinabi niyang hindi nakakahiya ang katawan na lumalaban para sa patas at anti-korap na kinabukasan
- Pinaliwanag niyang ang kagandahan ng babae ay hindi natatapos sa pisikal na anyo at hindi nasusukat sa iisang pamantayan
- Nagpasalamat siya sa mga taong dumepensa at nagsabing hindi dapat pinapansin ang natural na buhok at discoloration sa katawan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Source: Facebook
Bumwelta si Nathalie Julia Geralde sa mga body-shamer matapos kumalat online ang larawan niya na nakataas-kamao sa kilos-protesta sa Luneta Park noong Setyembre 21.
Sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Setyembre 26, binigyang-diin niyang hindi dapat ikahiya ang katawan ng taong nakikibaka para sa tama.
Aniya, sa lipunang kumakahon sa kababaihan sa hindi makatotohanang beauty standards, kailangang manatiling nakataas ang kamao.
Idinagdag pa niya na ang buhok at discoloration sa kili-kili ay maliit na bagay kumpara sa malaking suliraning hinaharap ng bayan.
Read also
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Paliwanag ni Nathalie, ang tunay na kagandahan ng babae ay hindi natatapos sa panlabas na anyo.
Hindi ito nasusukat sa iisang pamantayan lamang. Kayang-kaya ng babae na mag-isip, magtanong, magalit at higit sa lahat ay ipanagot ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan.
Bukod dito, nagpasalamat si Nathalie sa mga taong dumipensa sa kaniya at tumindig laban sa maling panghuhusga.
Ayon sa kaniya, mahalaga ang mga taong hindi pumapayag na maliitin ang isang babae dahil lang sa natural na kondisyon ng katawan.
Dagdag niya, hindi dapat pagtuunan ng pansin ang mga bagay na normal tulad ng buhok at discoloration.
Para sa kaniya, mas mahalaga ang laban para sa katarungan at laban sa korapsyon.
Basahin ang kanyang pahayag sa Facebook post na ito:
Ang mga balita, larawan, o video na nakakaantig ng interes ng mga netizen ay madalas nagiging viral sa social media dahil sa atensyon na ibinibigay ng publiko. Ang ganitong mga post ay kadalasang tumatama sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maaari rin itong mangyari sa mga karaniwang tao, na mas nagiging relatable sa marami.
Read also
Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlo ay walang-awang pinagbabaril hanggang mamatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Nakuhanan ng CCTV ang tatlong lalaki na pumasok sa kanilang tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, kinuha pa ng isa sa mga suspek ang isang bag at cellphone mula sa biktima. Ayon sa ulat ni Gary De Leon ng TV 5 na “Frontline Pilipinas,” nagsimulang makatanggap ng pagbabanta ang pamilya matapos nilang pautangin ng P1-M ang isang residente sa kanilang barangay, na umano’y ginamit ang pera para sa negosyo.
Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na teacher sa pampublikong paaralan sa Las Piñas City ang paulit-ulit na sinaksak ng sariling asawa. Batay sa ulat ni EJ Gomez ng “Unang Balita,” naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardiya ang paaralan ngunit dahil kilala ang suspek sa lugar, madali nitong nagawang makapasok at makalabas. Ayon sa suspek, pumunta siya roon upang kausapin ang kanyang asawa at ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh